Azaie POV
Nakakainis! Walang pasok pero ang aga kong nagising! Ano ba namang buhay ito oh! Kapag may pasok late magigising pero pag weekends maaga!
Napadesisyunan ko nang mag hilamos at mag toothbrush tapos bumaba na. Madilim pa nga at di pa nasikat ang araw.
Gagawa muna ako ng kalokohan ngayon.
Pumasok muna ako sa kwarto ni Kyle. Agad kong kinuha ang orasan at iniset ito ng 6:30 am. Ganoon din ang ginawa ko sa dalawa sa baba. 6:00 am na at may oras pa para mag handa ng breakfast.
Sinong may sabing mag luluto ako? Hello? Pwede namang initin yung ulam! Para makatikim silang tatlo ng PANGA!
PANGAlawa.
PANGAtlo.
PANGApat.Na init.
Insert evil laugh! BWAHAHAHAHA!
Matapos kong ihanda sa table ang lahat ay tumingin ako sa wall clock.
In 3..2..1..
*KRINGGGGG!*
"WHO THE HELL SET THE FIRE ALARM?!" Rinig kong sigaw ni Kyle mula sa taas
Di ko maiwasang matawa!
"SHUT UP FREAKIN CLOCK!" Sigaw ni Jiero
"I HATE YOU!" Sigaw ni Crystal
Mayamaya pa ay lumabas na sila sa kwarto nila. Nakangiti lang ako sa kanila.
Hindi ko nalilimutan ang mga pahirap na ginawa nila sa akin kagabi!
Lalo na si Kyle! Mag nanakaw!
Omo. Teka. Baka mamaya.. naalala niya? Hala. Hindi pwede ito! Wag ngayon!
"Lintik ka talaga Zaie!" Bungad sa akin ni Kyle
Nakahinga ako ng maluwag.
"Oh eh bakit ha?!" Pag tataray ko dito
Umupo na naman sila sa harap ng table.
"Wow nag luto ka?" Manghang tanong ni Jiero
Natawa naman si Crystal.
"Sira! Kagabi pa ya--oh my gosh bessy? Seryoso ka?" Di makapaniwalang sabi ni Crystal
Oh diba!
"Wag na kayo umangal! Pwede pa yan! Palagi kong ginagawa yan so di kayo mamamatay okay?!" Saad ko
Nilantakan ko na yung carbonara na ininit ko. Bahala sila. Masarap naman ih.
"Okay pa naman nga siya. Nice. Makakatipid tayo." Sabi ni Kyle at lumantak na din ng pagkain
Tuwing napapatitig ako sa kanya naalala ko yung kagabi! Whaaaaaa! Paano ba mawala ito?!
"What?" Tanong ni Kyle ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya
Agad akong umiling at kumain ulit ng carbonara!
Nakakainis! Mukhang wala siyang pake sa ginawa niya kagabi! Mag nanakaw ng halik tapos hindi manlang mag sosorry?!
"Ahmm, Zaie.. I'm sorry hindi kita masasamahan ngayong birthday mo ah? Pinapatawag ako sa bahay nila Mom and Dad." Sabi ni Crystal
Medyo masakit pero syempre kaylangan niyang unahin ang pamilya niya.
"Okay lang Crystal. Matagal ko nang naiintindihan ang tungkulin mo." Nakangiti kong sabi
"Hehe.. ako din eh. Kasi sabi ni Mom kaylangan ko daw mag interview ng mga applicant sa resto." Sabi ni Jiero
BINABASA MO ANG
Unpredictable (COMPLETE)
Novela JuvenilWho can predict on what will happen next? A fortune teller? Maybe. But an ordinary senior high school? No! She can't even solve a mathematical equation! But what will happen if she predicted her own ending? Will it be right? Let's find out. This st...