Chapter 40-Beast-

14 4 0
                                    

Kyle Azy POV

Bumaba na ako kahit medyo nahihilo padin ako. Wala naman kasing mag luluto ng dinner eh. Matapos kong magluto dinner ay pumwesto muna ako sa sala kung saan nandoon si Jiero at Crystal na nag momovie marathon.

"Hanggang kaylan ka magiging ganyan?" Tanong ni Crystal sakin

"Ewan ko nga eh. Nahihilo padin--" Naputol ang sasabihin ko

"No. I mean, palagi nalang nakatago 'yang feelings mo. Kaylan mo balak ilantad?" Sabi ni Crystal

Napahinga ako ng malalim.

"Siguro, hanggat kaya ko pa. May mga plano tayo diba? Baka kapag nalaman na natin ang totoo doon ako aamin." Sabi ko

Tinapik ako ni Jiero sa balikat.

"I told you, kapag tinamaan ka. Wala ka nang kawala. Pasalamat ka nga tinutulungan kita eh! Sabi ko sayo kapag ikaw ang nainlove wag kang hihingin ng tulong sakin eh!" Sabi ni Jiero

I remember that. Yung una niyang nakita si Crystal.

"Okay. I admit it. I was wrong. Pero syempre tutulungan mo padin ako diba. Pinsan kita eh." Nakangiting sabi ko

Natawa naman si Jiero.

"Okay insan. Basta mag pagaling ka ngayon. Namumutla ka, mukha kang may stage 100 na sakit ka sa puso. Pusong tumitibok para kay Azaie. Ayieeee!" Sabi ni Jiero

Hinagisan ko naman ito ng unan!

"Ang ingay mo! Mamaya marinig ka noon eh!" Sabi ko

"Shh. Oo nga. Malapit na daw siya. Tapos sabi niya may good news daw siya. OMG ano kaya yun?" Sabi ni Crystal na hawak ang cellphone niya

Good news?

Mga ilang saglit pa ay umingay na ang gate senyales na nandito na si Azaie.

Pag pasok na pag pasok niya ay dumiretso siya sa amin.

"Grabe. Pakisampal nga ako!" Sabi ni Azaie

Gusto ko sana siya batukan kaso naalala ko may sakit pala ako.

"Dali na! Kwento na aba!" Sabi ni Jiero

Mukhang ang saya saya niya ah! Ano na naman ang ginawa ni Kyster?!

"Kami na!" Masayang sabi ni Azaie

Parang mas lalo akong nahilo!

"S-seryoso ka?" Di makapaniwalang tanong ni Crystal

I am not hurt. You are not hurt Kyle.

Napatingin si Azaie sa gawi ko pero umiwas lang ako ng tingin. Hindi ko pa pwedeng sabihin ang nararamdaman ko hanggat di ko nalalaman ang totoong pakay ni Kyster kay Azaie.

Tumayo na ako kahit nahihilo ako.

"Kumain nalang kayo dyan. Mag papahinga na muna ako." Sabi ko at umakyat sa taas

Binuksan ko nalang ang laptop ko at humiga. Unang unang bumungad sa akin ang picture ni Kyster at Azaie sa flower garden.

Sinong niloko? Ako hindi nasasaktan? Tss.

Nagulat ako ng bumukas yung pinto. Niluwa noon si Azaie na may dalang tray.

"Ano? Kamusta pakiramdam mo?" Tanong nito sa akin

The more she cares, the more na nahuhulog ako sa kanya. Damn. Ang swerte ni Kyster.

Nagulat ako ng hawakan ni Azaie ang noo at leeg ko.

"Ayan, may lagnat ka na. Tigilan mo na 'yang laptop." Sabi ni Azaie at itinabi yung laptop

"Hey. Okay lang ako." Saad ko

Umiling ito.

"Anong feeling mo? Immortal ka?! May sakit ka na at lahat lahat laptop ka padin ng laptop!" Sermon sakin ni Azaie

Naupo tuloy ako ng de oras tapos di makapaniwalang tumitig sa kanya.

"Ikaw, Azaie? May sakit ka ba? Makapag alaga kala mo--" Naputol ang pag sasalita ko

"Akala mo kaibigan?! Okay! Di mo ako kaibigan. Pero sabi mo special ako. So now, mag upgrade na tayo!" Wirdo itong ngumiti sa akin "Mag kapatid na tayo ngayon tutal you treat my parents as your parents and the Suazons accepted me as part of your family." Sabi ni Azaie

This time napanganga ako.

Ayaw niya ba talaga sa akin kaya ganito? Kapatid na ang turing niya sa akin? Masakit ha!

"Then okay! Mag kapatid na tayo ngayon! Mamamatay ang unang babali noon!" Sabi ko

Nag cross arms ito.

"T-there's no reason to break that. Baka ikaw may rason." Sabi ni Azaie

I smirk.

Cover up Kyle. Kunwari wala kang rason para hindi kayo maging kunwaring mag kapatid.

"No reason. Kaya please lang. Umalis ka sa kwarto ko. Ang panget mo." Sabi ko

Inis itong tumingin sa akin.

"Ayoko nga! Kumain ka muna sa baba at uminom ng gamot!" Utos ni Azaie

Inis akong tumayo tapos binuhat ito. Yung buhat ba na nakasampa siya sa braso ko.

"Ibaba mo ako!" Angal ni Azaie

Lumabas kami ng kwarto at bumaba. Naabutan namin si Jiero at Crystal na nalamon na naman. Ibinaba ko na si Azaie.

"Pakitali nga ito ha. Ang ingay ingay! Mas lalo yata akong mag kakasakit!" Inis na sabi ko

Ang totoo gusto ko siyang iwasan.

"Sus, sakit sa puso lang yan." Sabi ni Jiero

"Hala?! May sakit siya sa puso?!" Gulat na tanong ni Azaie

Natawa naman si Crystal at Jiero.

"Ewan ko sayo. Boyfriend boyfriend pa slow naman." Sabi ko at kumuha ng makakain

Kumain lang ako ng tahimik habang nag kwekwentuhan sila.

"Bakit mo naman agad sinagot yun?" Tanong ni Jiero

Usisero!

"Eh mukha naman siyang sincere eh." Sabi ni Azaie

Hays. Sinong hindi mansasamantala sa kanya?

"Hays. Goodluck nalang dyan sa love life mo ah. Sana wag kang iiyak kasi nako Azaie! Kilala mo ako! Kayang kaya ko din lagyan ng black eye yung mga gunggong na mananakit sayo!" Sabi ni Azaie

"Ang o.a bessy! Tyaka mabait naman si Kyster eh." Sabi ni Azaie

Napapalatak naman si Jiero.

"Nako Azaie. Halatang inosente ka talaga sa lahat ng bagay. Alam mo kasi, kaming mga lalaki mabait lang sa una yan!" Napatulala naman si Crystal sa kanya "Hindi, babe! Realtalk ito pero di ako ganito sayo!" Sabi ni Jiero kay Crystal

Sinamaan lang siya ng tingin ni Crystal.

"Tapos tyaka namin papakita yung ugali namin kapag alam na naming di niyo na kami kayang bitawan. Realtalk lang ah." Seryosong sabi ni Jiero

Oo ganyan yan sa lahat ng ex niya eh. Babaero!

"Ipag dasal nalang nating hindi siya ganoon." Sabi ni Crystal

Tumayo na ako sa kinauupuan ko ng matapos kong kumain.

"Di ako counted sa sinasabi ni Jiero ah." Sabi ko tapos uminom ng gamot

"Ay di ka talaga kasama doon. Simula palang naman masama na ugali mo eh! Halimaw!" Pang aasar ni Azaie

Yes. I am a beast. But you are my Belle. I will protect you to anyone that will hurt you.

"Shut up, Azaie. You know nothing." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ko

I really hate the fact that I am inlove.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon