Chapter 71-Piece of Clue-

18 1 0
                                    

Azaie POV

Pang apat na araw na pero hindi parin gumigising si Kyle. Ganoon parin, binabantayan parin siya ng Kim na iyon.

Binabantayan ko rin ang bawat kilos ni Kim dahil sa natanggap kong note. Gustong gusto na akong pauwiin nila Mama at Papa pero tumatanggi ako. Kapag nag kataong may kinalaman siya dito hinding hindi ko siya mapapatawad.

"Bakit ganyan ka makatitig sakin Azaie? Anong problema mo?" Saad ni Kim na inaayos ang kama ni Kyle

Nag kibit balikat ako dito. Tumayo ako sa kinauupuan ko para lumapit sa kanya tyaka ako nag cross arms.

"Wala naman. Binabantayan lang kita. Isang buwan mo palang kilala si Kyle diba? Malay ko bang may iba kang agenda." Saad ko

Agad na umangat ang kilay niya at sumama ang mukha niya. Sa loob looban ko ay gusto kong mag diwang dahil nainis ko siya.

Ayan! Masyado ka kasing pasikat!

"Pwede ba?! Masyado kang praning! Gusto mo bang dalhin kita sa Psychiatrist? Mukha kasing nasira na rin ang utak mo eh." Inis na sabi niya

Sasagot na sana ako kaso may mga pumasok na mga doctor rin. Agad naman silang sinalubong ni Kim ng may ngiti.

Napakaplastik mo!

"How is he, Doctora Kimmiselle? Any improvements?" Tanong ng isang matandang lalaki na doctor din

Ipinakita naman ni Kim and chart sa doctor at tumingin naman doon ang tatlo pang doctor.

"Sa ngayon ay wala paring improvement sa kanya. I'm taking care of him because cardiac arrest may be possible in this time. So far, his vital signs are good." Saad ni Kim at ngumiti sa apat na doctor

"Good job, Doctora Kimmiselle. We need to maintain that good condition." Saad ng isa pang doctor

"Wow. Siguro dahil dito mapopromote ka na." Masayang sabi ng isang doctor na babae

Kunot noo ko naman silang tinignan.

"Ah, hindi naman po iyon ang habol ko. Inaalala ko ang kalusugan niya dahil kapag nawala siya, paano nalang ang mga nangangailangan ng tulong niya bilang doctor?" Saad ni Kim

Tumango tango naman ang mga doctor sa kanya.

"Alam mo Doctora Kimmiselle sa tingin ko bagay na bagay kayo ni Doctor Kyle. Hindi ba't malapit ang mga pamilya niyo?" Nakangiting sabi ng lalaking doctor

Inis ko naman silang tinignan doon.

Bagau my foot!

"Sa tingin ko nga rin--"

"Tapos na po ba kayo?" Putol ko sasabihin ni Kim

"Ah! Yes, Ms. Klarkzion! Aalis na kami. Have a good day!" Saad ng babaeng doctor

I almost rolled my eyes. Paanong mag kakamagandang araw eh nandyan yang Kim na yan?

Tinignan ko naman si Kim na nakatingin rin pala sa akin. Nagulat ako ng bigla ako nitong irapan.

Ah! That bitch!

Mabuti nalang at umalis na silang lahat. Feeling ko naman ay napagod ako sa mga pinag sasabi nila. Hinigit ko ang upuan papalapit sa kama ni Kyle. Wala sa sarili ko siyang tinitigan.

"Baka naman gusto mo nang gumising dyan? Tignan mo yung doctora na yon! Kung iraprapan ako akala mo siya may ari ng hospital!" Inis na sabi ko

Napailing iling nalang ako sa sarili ko dahil sa mga sinabi ko. As if namang sumagot siya eh naka coma nga.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon