Chapter 78-Beg-

15 1 0
                                    

Azaie POV

"Azaie!" Tawag ni Mommy Redenta mula sa labas ng kwarto ko

Agad akong napabangon at napatingin sa wall clock ko.

I'm super late!

Mabilis akong nag ayos ng sarili ko at pagkatapos noon ay bumaba na ako. Naabutan ko naman si Mama Antoinette na nag hahain na ng breakfast. Halos kumpleto na rin at ako nalang ang inaantay.

"Good morning, Princess." Bati ni Daddy Ken

Nginitian ko naman ito.

"Pwede po bang wag na ako nag breakfast? I'm so late for work." Saad ko

Umiling iling naman ang dalawa kong nanay at hinila ako paupo sa upuan ko. Sinalinan pa nila ang plato ko ng ham, egg at toasted bread.

"Hindi pwede yan sa dalawa mong nanay. Ang payat payat mo na oh." Sabi ni Papa Klark at tumawa pa

Iiling iling ko naman tinignan ang pagkaing nasa harapan ko at nag umpisa na ring kumain. Sa kalagitnaan ng pag kain namin ay may narinig akong hakbang galing sa hagdanan.

Hakbang palang ay pamilyar na kaya naman nag umpisang mag karera ang puso ko.

Stop it, Azaie. May anak na siya!

"Sorry nalate ako ng gising." Saad ni Kyle mula sa bungad ng dinning area

Hindi ko ito tinapunan ng tingin. Mabilis kong kinuha ang bag ko at tumayo.

"May meeting ako with the Head Chef. Si Conrad Lee. Aalis na po ako." Saad ko

Tumango naman sila sa akin at ngumiti. Mabilis akong nag punta ng parking lot. Kinuha ko na ang susi sa bag ko at inistart ang kotse ko.

Maswerte parin pala ako dahil walang traffic ngayon. Mabilis akong nakapunta sa kumpanya at nag tungo sa opisina ko. Naabutan ko sa bungad ng opisina ko si Secretary Ami na ngiting ngiti sa akin. Tumaas ang kilay ko dahil doon.

"Stop smilling, it's irritating." Saad ko

Napakamot naman ito ng batok niya.

"Sir Conrad Lee is waiting for you inside your office, Ma'am Azaie." Saad ni Secretary Ami

Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Seriously? Did you offer him a drinks or snacks?" Aligagang tanong ko

Tumango naman si Secretary Ami.

Sobrang aga niya naman?

Kaagad akong pumasok sa opisina ko at naabutan ko itong nakaupo sa sofa. He smiles as soon as he see me.

"Pasensya na at late ako." Nahihiyang sabi ko

Natawa naman ito sa akin.

"No, it's okay. I have alot of time kaya inagahan ko na." Saad niya

Tumango naman ako dito at nag tungo sa desk ko. Hinila ko ang cabinet ko at inilabas doon ang kontrata. Agad akong nag punta sa tapat niya at inalagay ang kontrata sa table. Kinuha naman niya iyon at binasa.

"Masyadong maganda ang offer niyo para tanggihan." Nakangiting sabi ni Conrad

Kumuha ito ng ballpen sa loob ng kanyang toxido at agad na pinirmahan ang kontrata. Napangiti ako dahil doon, ilang araw nalang at maipapasa ko na kay Jiero ang pwesto ko.

"Now can you accompany me, Ms. Azaie?" Tanong ni Conrad

Kunot noo ko naman itong natignan.

Feeling close?

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon