Chapter 58-Incomplete-

19 3 0
                                    

Azaie POV

WEDNESDAY

Nilock ko na ang bike ko sa parking lot.

Himala. Wala yatang makulit? Pero okay na rin. Simula talaga ngayon iiwasan ko na sila. Para walang masaktan ulit sa aming lahat.

Pag pasok ko sa room ay pumwesto na ako sa likod. Tinignan ko ang relo ko.

6:50 am na. Dapat andito na ang mag pinsan na yun.

Napatingin ako kay Crystal na nakatulala lang. Parang gusto ko siyang lapitan para mag tanong kaso iniiwasan ko nga sila.

"Oh wala yata ang makulit na si Jiero?" Pang uusisa ni John Sel kay Crystal

Nilingon naman siya ni Crystal na parang nalulungkot din.

"Oo nga eh. Hindi siya sumasagot sa tawag at text ko. Tapos wala rin si Kyle. Hindi ko rin matawagan at matext." Saad ni Crystal

Bigla nang pumasok ang teacher namin at nag lecture na.

Hindi ko alam pero hirap na hirap akong mag focus. Nasanay ang mata ko na natatanaw ko silang tatlo na kumpleto. Di ko rin mapaliwanag ang kaba ko.

Sa sobrang pagkalutang ko ay di ko namalayan na uwian na pala.

Agad akong lumabas sa room pero tumambad sa akin si Kyster.

Bwiset!

Lalagpasan ko sana ito ng bigla itong lumuhod sa harap ko.

"Azaie.. sorry. Hindi ko talaga sinasadya." Saad ni Kyster at maluha luha pang tumingin sa akin

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya dahil nakakaawa itong tignan. Mukhang wala siyang tulog simula pa kagabi.

"Tumayo ka nga diyan!" Inis na utos ko

Pinag titinginan na kami ng mga estudyante!

"J-just forgive me, Azaie. Tatayo ako dito." Saad ni Kyster

Inis ko siyang nilingon.

"Paulit ulit ka naman eh! Ano bang malinaw na sa ayaw kitang makita pa?! Nananadya ka ba?!" Inis kong sabi

Nagulat naman ako ng may humila sa akin. Si Crystal.

"Hoy! Kung wala kang magawang matino sa buhay mo, doon ka nalang sa bahay niyo! Mag laslas ka doon kung di mo na talaga kaya! Bwiset ka!" Inis na sabi ni Crystal kay Kyster

Hindi siya pinansin ni Kyster. Tumingin pa ito sa akin.

"Hinding hindi ako aalis dito hanggat di mo ako pinapatawad." Saad ni Kyster

Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Oh?! Edi okay! Mag camping ka dyan!" Inis kong sabi at tinalikuran na siya

Sinong tinakot mo?!

"Suazon." Sambit ni Kyster

Napahinto ako sa pag lalakad. Narinig ko ring tumawa siya.

"Parehas lang pala tayong hindi nag mahal dito eh." Dagdag niya pa

"Hoy! Ang lakas talaga ng loob mo ah!" Sigaw ni Crystal kay Kyster

Hindi ko ba siya minahal?! Anong tawag dito sa nararamdaman kong sakit?!

"Apelyido niya palang napapahinto ka na." Natatawang sabi ni Kyster

Nababaliw na talaga siya!

Lumakad na ako ng dirediretso at nag punta sa parking lot.

"Azaie."

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon