Chapter 59-Fatal-

20 3 0
                                    

Azaie POV

Tamad na tamad ako gumising. Masyado akong napagod sa pag gala namin nila Mama at Papa kagabi.

"Ma, parang ayaw kong pumasok." Pag bibiro ko

Natawa naman silang dalawa. Nag aalmusal kasi kami ngayon.

"Aalis kami ng Papa mo ah." Saad ni Mama at ngumiti

"Saan kayo punta?" Tanong ko at tumayo para ilagay ang plato ko sa lababo

Nilingon ko pa nga si Mama. Nag bago ang ekspresyon ng mukha ni Mama.

"Ah sa kaibigan lang namin noong college. Nag papatulong kasi sila sa business nila." Singit ni Papa

Tumango naman ako.

Pagkatapos kong mag toothbrush ay nag asikaso na ako para pumasok.

"Ma, Pa, aalis na ako ah. Ingat kayo sa pag punta niyo sa college friend niyo." Saad ako at ngumiti

"I-ikaw din nak. Mag aral ka ng maigi." Saad ni Mama

Agad na akong nag punta sa school gamit ang bike ko. Napatingin ako sa space sa tabi ng bike ko.

Wala parin siya?

Nag lakad na agad ako papunta sa room. Sakto namang kasabay ko lang ang teacher namin sa Philosophy.

Pumunta na ako sa upuan ko ng mapansin kong andito na si Jiero.

Asan si Kyle?

Bahagya akong napailing sa naisip ko.

"Jiero, asaan si Kyle?" Tanong ni Ma'am

Doon agad na sumahod ang pandinig ko.

"M-may inaasikaso lang po." Saad ni Jiero

Parang ang tamlay niya? Ano bang nangyayari?

Gustong gusto kong mag tanong kaso nahihiya ako.

Nag klase lang ng nag klase hanggang sa mag break na.

"Bakit kasi hindi mo agad sinabi?!" Naiiyak na sabi ni Crystal sa harap ni Jiero

Bigla tuloy akong napalingon. Lahat kami ay napalingon sa lakas ng boses ni Crystal.

"C-calm down, Crystal. Lower down your vo---"

Pinutol na ni Crystal ang sasabihin ni Jiero.

"How am I supposed to do that?! What do you expect me to do?! Let that bastard go knowing what he did?!" Sigaw ni Crystal

Bigla naman siyang hinila ni Jiero palabas. Lahat kami ay napatingin sa kanila.

"Anong nangyayari kay Crystal?"

"Baka may L.Q sila ni Jiero."

"Eh sino yung 'bastard' na sinasabi ni Crystal?"

"Hala! Baka may thirdparty?!"

"What the freak."

Dahil sa pag kacurious ko ay sinundan ko na sila. Naabutan kong umiiyak silang dalawa.

"Calm down, Crystal. Gumagawa na ng paraan si Tito Ken. He will not neglect Kyle." Saad ni Jiero

Bakit sila naiyak?!

"S-sabi ko na nga ba. May mali talaga ng gabing yon. B-bakit si Kyle pa?" Saad ni Crystal

Inakap naman siya ni Jiero at pinatahan.

Bakit?! Anong nangyari kay Kyle?!

"Pupuntahan natin siya mamaya." Saad ni Jiero

Parang mayroon sa loob ko na gustong gustong sumama sa kanila. Gusto ko ring makita si Kyle.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon