Chapter 22-Preview-

22 3 0
                                    

Kyle Azy POV

Nandito kami ngayon sa bench ng open field. Kami lang tatlo nila Jiero at Crystal dahil si Azaie ay nasa kabilang bench kakwentuhan yung kalansay na Kyster!

"Hoy pinsan iba na yan. Grabe ka makatitig kay Kyster. Parang gusto mong baliin lahat ng buto ah." Medyo mahinang sabi ni Jiero

Pwede kasi siyang marining niyo since ilang metro lang ang layo nila.

"Shut up Jiero. Baka ireto ko si Crystal sa ibang lalaki dyan!" Inis na sabi ko

Wirdo naman itong tumingin sa akin.

"Galit na galit! Ikaw ha?" Pang iinis pa ni Jiero

Natawa naman si Crystal.

"Aminin mo, that night is so magical diba? That night made you realize something Azy. C'mon say it to us." Natatawang sabi ni Crystal

Bumuntong hininga ako.

"I'm inlove with my bestfriend who can't love me back." Mahinang sabi ko

Nag tawanan naman yung dalawa! Bakit ko pa ba sinabi eh wala naman akong aasahan sa kanila!

"Louder Kyle!" Natatawang sabi ni Crystal kaya binatukan ko

Napa aray pa nga ito.

"Wag kayong maingay sa sinabi ko. Kapag nalaman niya ito patay kayo sa akin. Hindi na ulit ako mag sasalita at sasama sa inyo." Sabi ko

Tumango tango sila.

"Sayang. Bakit ngayon mo lang narealize? Edi sana ikaw nalang ang nanligaw sa kanya. Ang laki ng tyansa mo kasi mas close ka sa parents ni Azaie." Sabi ni Jiero

Hays. Ewan ko ba! Nakakabadtrip lang isipin na nasa huli ang realization!

"Shut up Jiero. Hindi pa naman si Azaie at Kyster. And! Our mission is not yet finish. Kaylangan pa nating malaman ang tunay na kulay ni Kyster bago matapos ang semester. We have three days." Sabi ni Crystal

Napatango tango ako.

"Personal information nalang ang akin. Favorite ko talaga ang nag iimbestiga dahil kay Sherlock Holmes!" Sabi ni Jiero

Oo nga. Matalino talaga si Jiero pag dating sa mga ganyan.

"Good. Ako na doon sa mga kaibigan ni Kyster. Siguradong sigurado ako na kasabwat niya ang mga ito." Sabi ni Crystal

Namamangha talaga ako sa dalawang ito. Sobrang galing nilang kumilos at mag isip.

"Ikaw naman Kyle, bantayan mo lang si Azaie at Kyster. Kaylangan talaga na wag maging sila hanggat di natatapos ang imbestigasyon." Sabi ni Crystal

Agad akong tumango.

"Okay! Pero paano kung di natin natapos ng three days? Edi next sem na ang tuloy?" Sabi ko

"Oo. Pero that time dapat kumpleto na ang information. Para huhulihin nalang natin sila." Sabi ni Crystal

Natigilan kami sa paguusap ng lumapit na sa amin si Azaie.

"Oh anong pinag uusapan niyo?" Tanong ni Azaie

"Kung paano natin gagawing makabuluhan ang sem break natin Azaie." Sabi ko

Napa 'ah' naman ito ng walang tunog. Pansin kong umalis na din si Kyster. Mukhang may klase pa ang loko.

"Sayang daw at di ako nakita ni Kyster noong buwan ng wika. May surprise pa naman daw siya sakin." Sabi ni Azaie habang nakapalm face

Buti nga at di natuloy yon! Kukunin ka pa niya sa amin!

"Okay lang yon. May iba pa namang event. Pag tapos ng sem break ay Christmas break naman." Sabi ni Crystal

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon