Chapter 39-Fix It-

20 3 0
                                    

Azaie POV

Linggo ngayon at ito ako. Nakatunganga sa tatlong nasa sala at nanonood ng tv. Mukha silang bata.

"Sabing sa Cartoon Network nga eh!" Inis na sabi ni Crystal at inagaw yung remote kay Jiero

Inagaw naman ni Jiero yung remote kay Crystal.

"Sports muna babe! Finals na ng favorite kong basketball team!" Sabi ni Jiero

Nag aagawan lang sila. Tapos palipat lipat yung channel.

Kapag nasira yan! Jusko naman!

Tumayo si Kyle tapos kinuha niya yung remote. Inilipat niya sa..

"Welcome to Einsteins channel where.."

Wala na finish na.

"Ano ba yan eh!" Angal ni Jiero at Crystal

Natawa naman ako.

"Wag na kayong mag away. Tiklupin niyo nalang yung nilabhan ko kahapon." Sabi ko

Padabog namang lumayas yung dalawa! HAHAHA!

Naalala ko bigla..

Yung regalo ni Kyster sakin!

Agad akong napatayo ako bigla tapos tumabi ako kay Kyle. Nasa ilalim kasi ng mini table yung box!

"Para kang engot dyan." Sabi ni Kyle

Inirapan ko lang ito tapos binuksan ko na yung regalo sa akin ni Kyster.

"Woooow!" Manghang sabi ko

Isang singsing!

"Papakasal ka na?" Pang iinis ni Kyle

"Oo bakit!" Sabi ko

Natawa lang siya.

"Wala namang carats." Puna niya doon sa singsing

Pinahawak ko muna sa kanya yung singsing kasi may napansin akong papel.

Azaie,
Wear this ring tomorrow. I will pick you up. Let's have a celebration. Happy Birthday to the special girl in my life!

Kyster

Whaaaaa grabe! Ang effort!

"Hala!" Napasigaw ako

Mag 3 pm na kasi. Tapos di pa ako ayos!

"Don't tell me aalis ka?" Saad ni Kyle

Tumango ako.

"Oo eh. Nag aya kasi si Kyster. Nakakahiyang tanggihan kasi ngayon lang siyang nag aya ulit. Nalimutan ko kasing pumunta nung mag didinner sana kami kasi birthday mo." Sabi ko

Kinuha ko na sa kanya yung singsing tapos sinuot ko na.

"Hindi pwede. Makalat yung bahay oh. Mag linis ka." Sabi ni Kyle

What?!

"Nandyan naman si Jiero at Crystal eh. Sila nalang utusan mo! Nag laba ako kahapon diba!" Angal ko

Nag lakad na ako tapos naisampa ko na yung isa kong paa sa hangdan nang mag salita siya ulit.

"Ah hello po? Ay opo... Bawal po siyang umalis? Ay ayaw nga pong mag papigil eh." Sabi ni Kyle

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon