Chapter 20-The Plan of Trio-

20 2 0
                                    

Kyle Azy POV

Maaga palang ay nandito na kami sa open field. Ang bawat section ay may itinayong mga kubo para may masilungan sila.

Para kaming nasa isang baryo dahil maski ang mga store ay nag mukhang old fashion.

Nakita ko namang gumagawa si Azaie ng kubo ng section namin.

Agad akong lumapit dito.

"Hoy wag kang aalis sa tabi namin nila Crystal ah." Sabi ko

Parang nagulat naman ito.

"Hindi pwede! Nag text sa akin si Kyster eh. May gagawin yata kami." Sabi niya at iniangat sa mukha ko ang cellphone niya

'Mag kita tayo mamaya sa malapit sa stores.'

Aba ang loko. Mabilis pa sa mabilis!

"No. You will stay with us or else I will tell to Tay and Nay that you're flirting with Kyster." Sabi ko

Nag papapapadyak naman itong umalis sa harap ko.

Good girl Azaie. You need to cooperate para maprotektahan kita ng maayos.

Nandito lang kami sa mga kubo namin. Nag uumpisa na ang program na pinangunahan ng mga teachers.

Relax lang muna kami dito nila Crystal.

"Dapat pala pinakabitan ko ng aircon itong kubo! Lintek ang init!" Sabi ni Crystal

Natawa naman tuloy kami.

"Madali ka doon Jiero! Baklasin mo yung aircon sa room natin at ilagay mo kay Crystal!" Sabi ni Azaie at natawa

Umiling iling nalang si Jiero.

"Hindi pwede yon. Magagalit si SSC President, Kyle Azy Suazon. WHAHAHA!" Sabi ni Jiero

Binatukan ko nga ang loko!

"Ayan. Mag sama kayo ni Azaie parehas kayong loko." Sabi ni Crystal at nag paypay ng abaniko

Sino ba namang di maiinitan sa suot namin? Barong at saya. Bakit ko nga ba tinanggap ang suggestion nila? Pwede namang formal nalang!

"Ikaw di ka dapat naka barong eh. Di ka naman Pilipino eh." Sabi ni Azaie at umirap na naman

Mapalapit ko nang ipacheck up yang mata ni Azaie eh.

"Pilipino ako pero pinalaki ako sa America. It's not my fault kung pinili ng parents ko na doon ako palakihin." Sabi ko at ngumisi

Natameme kasi siya.

"Oh ayan na naman kayong dalawa." Saway ni Crystal

Sabay naman kaming napatingin ni Azaie sa kanya.

"Crystal naman!" Sabay pa naming sabi ni Azaie

Nagkatinginan kami at tumawa.

See? Nahahawa na din ako sa kabaliwan nitong taong ito!

Nag punta muna si Azaie sa iba naming classmate dahil inutusan ko na siya na mamili ng representative para sa palarong bayan.

Lumapit ako kay Jiero at Crystal.

"Kayong dalawa. Wag niyong palalayuin sa atin si Azaie." Sabi ko

Taka naman silang napatingin sa akin.

"Bakit?" Tanong ni Crystal

I let a sigh. Tapos kinuwento ko sa kanila ang narinig ko noong friday.

"Seryoso ka dyan Kyle? Baka pinagtitripan mo lang kami?" Pag sisigurado ni Crystal

"Seryoso ako Crystal. Hindi ko pa alam kung anong plano ni Kyster. Masyadong maaga para hulihin siya. Kaylangan lang natin ngayon ay wag hayaang lumapit si Azaie kay Kyster dahil magiging sila na." Sabi ko

Nakakainis kasi eh. Masyadong bulag sa pag ibig ang babaeng ito!

"Diba yung Roudette epal kayla Kyster yon? Paaminin mo kaya?" Sabi sa akin ni Jiero

Hindi pwede.

"Kahit na hangang hanga sa akin yon ay hindi kakanta yon. Para kasing gustong gusto niya si Kyster eh." Sabi ko

Napatango tango silang dalawa.

"Fine. Wag nalang natin silang paglapitin. Pero dapat di tayo mag pahalata." Sabi ni Crystal

Agad akong sumangayon.

Azaie POV

Natatakot na ako sa tatlong ito. Parang may pinaplanong di maganda eh.

"Hoy kayo dyan. Anong pinaplano niyo ha?" Agad na tanong ko ng makalapit na ako sa kinaroroonan nila

"Gusto ni Crystal na kumain eh. Iniisip namin kung anong kakainin." Sabi ni Kyle

Hmm?

"Ako gusto kong kainin nalang si Crystal. Pero di naman pwede yon so nag iisip ako ng makakain dyan sa tabi tabi." Sabi ni Jiero habang naka tingin pa sa menu

Binatukan naman siya ni Crystal which made me laugh. Patay na patay talaga itong si Jiero kay Crystal eh!

Pagkaorder namin ay agad naming binigay sa staff.

"Ang boring naman eh!" Inis na sabi ko

Nilibot ko ang tingin ko. Hindi ko din makita si Kyster! Di ko pa siya nakikita simula pa kaninang umaga!

"Tonight will be fun. Pero ngayong tanghali makikipag debate pa muna ang ating pinakamamahal na presidente." Sabi ni Crystal

Wow! Kasali pala siya sa debate?

"About saan daw?" Tanong ko

Binigyan lang ako ng ngisi ni Kyle. Bigla na kasing tinawag ng teacher sa filipino ang mga representative ng debate. Per strand pala ay may representative.

Mabilis lang ang naging laban at naipanalo lahat ni Kyle yon.

Naalala ko ang sinabi niya na may karapatan siyang mag yabang dahil may maipagmamayabang siya. Tama siya. Ang talino niya, sobra.

"Tignan mo ang loko. Nag yayabang pa mag lakad." Sabi ni Crystal

Papalapit na kasi siya dito sa kubo namin. Isinisigaw ng buong section ang pangalan niya.

Gulat na gulat ako ng maupo lang ito sa tabi namin. No sign of being boastful.

Wow. For the first time.

"Grabe. Di ko na talaga gusto ito. Pinsan nababawasan ba ang pagiging mayabang mo ah." Di makapaniwalang sabi ni Jiero

Natawa naman kami.

"Hahayaan ko nalang sila na matuklasan ang kakayanan ko." Sabi ni Kyle

Wow! As in wow! Ilabas niyo si Kyle na ipinagmamayabang ang mga yaman niya at ang talino niya! Ilabas niyo!

"Pero syempre pag dating kay Azaie mayabang ako." Pang aasar sa akin ni Kyle

Halos mapamura ako sa narinig ko. Badtrip!

"Ang hilig mo talagang sirain ang araw ko Azy!" Sigaw ko sa kanya

Natawa naman ito.

"Syempre doon lang mabubuo ang araw ko eh." Tawang tawa na sabi ni Kyle

I rolled my eyes on him.

"Kaya walang jowa eh. Masyadong epal eh!" Sabi ko

Laking gulat ko ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko!

"Kapag ikaw nainlove sa akin ah? Walang sisihan." Sabi ni Kyle

My heart beat so fast! Lintek na pabango yan ang bango! Pati na din ang hininga niya sobrang bango!

"B-bwisit ka!" Sabi ko at tinulak ang mukha niya

Sa tingin ko namumula ako!

"Nag jojoke lang ako! Masyadong pikon!" Sabi ni Kyle at ngumisi

Napatingin ako kay Jiero at Crystal na nakanganga sa amin.

"What?!" Inis na sabi ko

Sabay naman silang umiling.

I will thank all the gods kapag tumino sa akin si Kyle! I will surely do that!

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon