Chapter 17-Agreement-

30 3 0
                                    

Chapter 17-Agreement-

Azaie POV

Hay nako talaga itong lalaking ito. Hindi nag papatalo kapag tinopak!

"Mauuna na kami ni Crystal. Ako may meeting with Mom and si Crystal may contract signing na naman." Sabi ni Jiero at hinila na si Crystal

Nag wave nalang ako habang nag lalakad sila paalis.

Naiwan tuloy kami ni Kyle dito. Nakain pa kasi siya.

"May nakakalimutan ka yata?" Tanong ni Kyle

Ha? Ano yun?

"Ano yun?" Tanong ko

Nag iwas ito ng tingin at kumain nalang ulit.

Ano ba yun?! Bakit di ko maalala?

Bigla itong tumayo at kinuha ang bag pack niya. Binigay niya sa akin yung lunch box at nag lakad na.

Tignan mo itong kapre na ito. Matapos mong tulungan eh bigla kang iiwan sa ere.

"Alam ko na! Igagala nalang kita mamaya!"

Ay naloko na! Nalimutan ko igagala ko nga pala siya!

Agad ko siyang hinabol sa parking lot and luckily nandon pa siya.

"Kyleeeee! Naalala ko na! Tara na dali gagala tayo!" Nakangiti kong sabi

Bigla namang lumiwanag ang mukha niya.

This is what he need. Kaylangan niya sumaya kasi ang lungkot niya about his family. Naawa talaga ako sa kanya.

Sinabayan na niya ako mag bike. Mga ilang minuto lang ang layo nito sa school namin kaya madali kaming nakapunta.

"Wow Azaie!" Manghang sabi ni Kyle habang tinatanaw ang ilog

Ang cute! Mukha siyang bata!

"Secret place namin ito ni Papa. Madalas kaming nandito kapag nalulungkot ako. Ikaw palang ang dinala ko dito since nalulungkot ka." Sabi ko at ngumiti

Bigla naman itong ngumiti ng malapad. Yung ngiti na sweet at hindi pang aasar.

"Thank you." Biglang sabi nito

Ngumiti din ako. Sinabi na naman niya yung word.

"You are always welcome Kyle Azy." Sabi ko

Naupo kami sa gilid ng ilog.

"Alam mo, sobrang ganda dito. Pa'no kaya nalaman ng papa mo itong lugar na ito?" Tanong ni Kyle

"Sabi ni papa special daw ang lugar na ito kasi dito niya daw naranasan ang lahat ng emosyon. Galit, tuwa, at lungkot." Sabi ko

Yun ang palagi niyang kinukwento sa akin.

"Siguro yung mama mo ang kasama niya no?" Tanong ni Kyle

Umiling ako.

"Hindi. Kaya nga sa aming dalawa lang ni papa ang secret place na ito eh." Napaisip ako don ah "Oo nga ano? Sino kayang kasama niya? Baka kaibigan niya?" Sabi ko nalang

Napa tango si Kyle.

"Bakit mo naman ako napagkatiwalaanna malaman ang lugar na ito?" Tanong ni Kyle

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon