Chapter 13- Flutter-

40 5 6
                                    

Chapter 13

Azaie POV

Tulala ako dito sa kinauupuan ko dahil sa flowers na natanggap ko galing kay Kyster. Ang sweet niya. Hindi ko tuloy maiwasang matakot dahil baka bigla din siya mawala katulad ni Lancelot.

"Hoy! Aba. Pabuhat ka palagi kapag groupings eh. Sumbong kita dyan sa mama at papa mo eh. Di ka na nakikinig dahil sa lovelife na yan." Inis na sabi ni Kyle

Ayan. Palibhasa single. Bitter!

"Pwede namang sabihin na tumulong ako! Ang dami pang sinabi eh. Para kang manok!" Inis din na sabi ko

Bigla namang sumingit si Crystal.
"Magaling. May magagawa nga kayo dyan." Sabi ni Crystal at sumimangot

"Ito na po. Aayos na." Sabi ko

Takot ko lang kay Crystal.

Ganon din naman si Kyle. Kumuha na siya ng pentel at manila paper at iniabot saakin. Kinuha ko naman. Tiga dikta siya ng irereport namin at taga sulat naman ako.

"Ikaw mag introduction ah. Tapos the rest hati na tayo sa report." Sabi niya sakin

Tumango nalang ako. May report kami sa English for Acads. Actually lima kami. Yung tatlo pabuhat. Hays.

"Yung tatlo hayaan mo sila. Di ko bibigyan ng points yon." Sabi ni Kyle

Okay. Mind reader ba siya?

"Dalian mo na yan. Aba padating na si Maam." Sabi pa ulit ni Kyle

Tinapos ko na ang pag susulat. Actually second subject si Maam. Vacant ang first subject namin.

Bumalik na ako sa upuan ko matapos kong isulat ang report. Iinom sana ako ng tubig kaso wala palang laman yung tubigan ko.

"Crystaaaaal. Pasama ako. Kukuha ako tubig sa kabilang building." Pakiusap ko kay Crystal

Umiling siya.

"Alam mo namang tiga buhat din ako ng grupo. Sorry di kita masasamahan." Sabi niya at nag pout

"No problem. I understand." Sabi ko at ngumiti

Huhu. Wala akong kasama.

Nakita kong kumuha ng tubigan si Kyle. Mukhang wala din  siyang tubig! Alam ko na!

"Samahan mo ako sa kabilang building tapos ako na mag lalagay ng tubig mo!" Nakangiti kong sabi

Tumayo na naman siya sa upuan niya at nag umpisang mag lakad. Sumunod na din ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng building. Nasa second floor kasi yung water station.

"Ikaw nalang ang umakyat. Titignan ko kung nandyan na si Maam." Sabi ni Kyle

Agad akong tumango at umakyat dala ang tubigan naming dalawa.

Nilagyan ko na agad yung kanya.

"Azaie!" Sigaw ni Kyle mula sa baba

Nakooooo! Mukhang andyan na si Maam!

Nilagyan ko na din yung tubig ko. Di ko na tinakpan yung tubigan ko. Sumilip ako sa baba kaso..

*SPLASH*

Oh nuts.

"Just get down here! Stupid!" Sigaw ni Kyle

Nabuhos sa kanya yung tubig ko huhu!

Nag madali akong tumakbo pababa at nag punta sa kanya. He stare at me as if he's going to kill me.

"Arg! Mag punta ka na sa room at ihanda ang report natin! Mag bibihis lang ako sa locker room!" Inis na sabi niya sakin

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon