Chapter 1-Unpredictable Start-

245 11 7
                                    

Chapter 1-Unpredictable Start

Azaie Klarkzion

Azaie Klarkzion. 16. Philippines!

Joke lang. Ewan ko ba. Tinatamad pa akong bumangon! Kasi naman naulan!

Pero hindi pwede! No Azaie! No no no! Hindi mo makikita si bebe labs mo.

Agad akong bumangon at nag handa na. Since first week palang eh naka civilian pa kami. Simple lang ako kaya tshirt at pantalon lang suot ko. Wala eh! Ganito lang ako--teka tama na.

Lumabas na agad ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Sabay kain ng foods. Tinitigan ko syempre ang mukha ni bebe labs habang nakain. Pa'no kasi, di ko na kaylangan ng ulam! Siya palang ulam na HAHA!

Utak mo Zaie ah!

Sinukbit ko na ang bag ko at nag lakad papuntang terminal. Pag katapos kong mag intay ay sumakay na ako ng tricycle.

Mga ilang minuto lang ay nasa school na ako.

BRIDGESTONE!

Excited akong pumasok at dumiretso sa room ko at tumambad sakin ang adviser ko. Sure na akong siya yung adviser namin kasi hawak niya yung book ng rules and regulations.

"Ms?"-Tanong ni Sir

"Ms. Klarkzion."-Sabi ko

"Ah doon po ang upuan niyo."-Sabi ni Sir at itinuro ang uupuan ko gamit ang pencil niya

Why?! Di naman ako late!

Dumiretso na ako sa upuan ko. Lumawak ang ngiti ko ng makita kong katabi ko ng upuan ang kaibigan ko.

Nahahati sa tatlong row ang room, nasa pangalawa ako. Basta ang hirap eexplain! Sa dulo ako at katabi ko si Crystal. At-- wao!

"Bakit nandito ka sa school ko?"-Tanong nitong si Azy

"Bakit may nag sasalitang aircon dito?"-Tanong ko

Tumawa naman si Crystal. One point.

Hindi ko siya katabi. Nasa pang tatlong row siya pero basta pareho kaming nasa aisle!

Si Kyle Azy Suazon (Pronunciation: A-zay). Pinaka MALAKING EPAL sa buhay ko since junior high school. Yung tipo ng ang hilig niyang makialam?

"So I'm expecting na magiging maayos na kayo. Grade 11 na kayo at hindi na bata. Alam niyo na ang tama at mali."-Sir

Tumango nalang ako. Iisa lang naman bata dito eh.

So ayun. Wala naman ako pakialam sa kanila. Nag introduction lang ng mga subjects. May sarili akong mun--

"Talagang dito ka pa pumasok ah?"-Sabi ni Azy na nakatingin sakin

Kahit kaylan talaga napakaaaaaaa epal.

"Look, ayaw ko ng gulo. Malay ko bang pati pala ito eh paaralan mo?"-Sabi ko

Tumawa naman siya.

"Of course, mayaman kami eh. Malamang lahat ng papasukan mo eh pag mamayari ko."-Sabi ni Azy

Niyakap ko ang sarili ko na para bang nilalamig at tumingin kay Crystal.

"Ang lakas yata ng buga ng aircon? Tanong mo nga kay Sir kung pwedeng pahinaan. Di ako sanay kasi poor lang ako eh."-Sabi ko

Tumawa naman si Crystal. Muli kong hinarap si Azy.

"Azy, alam kong mayaman ka. Di mo na kaylangang ipag mayabang pa. Nag susumigaw na yang katauhan mo oh."-Sabi ko at tumawa

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon