Chapter 54-Halloween Party-

19 3 1
                                    

Azaie POV

HUWEBES...

Tatlong araw ang lumipas na puro lang kami asikaso sa Halloween party. Sa susunod na week naman ang exam namin para 3rd grading.

Araw araw akong nadalaw kay Big Boss. Natutuwa rin naman ako dahil medyo umaaliwalas ang mukha niya kapag nakikita niya akong kasama si Kyle. For the sake of Big Boss sinasantabi ko ang galit ko sa kanya. Nakikita ko ring nahihirapan siya.

Bukas na gaganapin ang Halloween Party kaya naman busying busy na kami sa pag oorganize ng party. Dahil tapos na ako sa pinapagawa sa akin ay napag pasyahan ko munang umalis ng hall.

Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Kyster. Ang kaso ay di niya sinasagot.

"What is the best halloween gift for you, Azaie?"

Napalingon tuloy ako sa nag salita.

"Roudette wag ngayon. Napagod na ako kakaayos ng hall kaya kung pwede lang talaga, lumayo ka muna." Saad ko

Tumawa naman ito.

"Nag tatanong lang ako eh. Sige na. Bumalik ka na doon." Saad ni Roudette at nakangisi pang umalis

Impakta talaga.

Lately, hindi ko makausap ng ayos si Kyster. Busy daw siya sa pinapagawa ng magulang niya tyaka sa major nila. Panay luto at lecture sa school, panay company works naman sa bahay. Minsan na lang kami mag kita kaya nalulungkot din ako.

"Meryenda na!" Sigaw ng isang SSC member

Napalapit ako ng de oras dahil hahanapin talaga kami ni Ma'am. Mukhang mag memeeting na kami sa mga gagawin bukas.

"Kyle ikaw ang leader para sa team A. Amg station niyo dito sa loob ng venue. Ikaw naman Edasco, doon kayo ng team B sa entrance. Kapkapan maigi ang mga estudyante! The rest of the rules ay alam niyo na. Mag enjoy rin sana kayo sa party. Yoon lang, kumain na kayo." Saad ni Ma'am

Inayos ko na ang gamit ko.

"Anong costume mo bukas, babe?" Rinig kong tanong ni Jiero

"Gusto kong mag Anabelle. Ikaw?" Tanong ni Crystal

Natawa muna si Jiero.

"Si Jigsaw nalang! Katunog ng pangalan ko. Hmmm, ikaw pinsan? Anong sayo?" Tanong ni Jiero

"Hindi ko alam. Madami pa akong iniisip. Baka kung ano nalang meron sa bahay. Basta. Sige na. Mauuna na ako. Pupuntahan ko si Big Boss." Saad ni Kyle

Narinig ko ring umalis na siya.

"Ang seryoso ni Kyle ah. Natatakot na ako kasi di naman siya ganoon noon." Saad ni Crystal

Napabuntong hininga si Jiero.

"Ganoon talaga kapag mahal niya ang nakasalalay. Kahit mawalan yan nt kasiyahan basta mapasaya lang talaga yung taong mahal niya gagawan niya ng paraan. Konti nalang maniniwala na akong nag mamature na si Kyle. Hays. Buhay." Sabi ni Jiero

Matapos akong bigyan ni Ma'am ng pagkain ay umalis na rin ako. Nag bike na ako pauwi at as usuall, mag isa ako sa bahay. Biglang nag ring ang cellphone ko. Akala ko si Kyster, si Mama pala.

"Hello ma!" Masayang bati ko

"Nak, makakauwi na kami agad ng papa mo! Salamat kay Chairman Suazon." Masayang sabi ni Mama

Si Dean ang nag sponsor ng pang pauwi nila Mama?

"Ma? Bakit sila pa ang nag bigay ng tulong?" Tanong ko

"M-mahabang istorya anak. Pag uwi namin, ikukwento ko sayo ang nangyari." Saad ni Mama

"Sige po. Si Papa po? Kamusta siya?" Tanong ko

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon