Chapter 66-Happy Halloween-

26 2 1
                                    

Kyle Azy POV

Mabilis lang akong nakarating sa meeting room. Halos hindi ako makaupo sa upuan ko dahil sa mga pakikipagkamay at pagbabatian ng mga taong nandito.

Nang sa wakas ay matapos sila sa mga pagbati sa akin ay naupo na ako. Nakita ko na rin si Azaie na pumasok kasama si Azmarie.

Anak na ba nila yun ni Kyster?

"Goodmorning folks, the meeting will start now. May we call on, Director Aguirre in the front…" saad ng nasa mini stage

Agad namang tumayo si Mr. Aguirre at pumunta sa unahan. Humugot muna ito ng hininga bago mag salita.

"Goodmorning. So I guess you all know what will be the topic of our meeting today, right?" Saad ni Mr. Aguirre

Nag tanguan naman ang mga taong nandito.

"We will tackle it later. In this morning, I want to introduce you all, a successful and handsome doctor, Doctor Kyle Azy Suazon!" Masiglang sabi ni Mr. Aguirre "Come here." Anyaya niya sa akin

Taas noo akong tumayo sa kinauupuan ko at pumunta sa mini stage. Binigay niya sa akin yung mikropono para mag salita ako. Tatanggihan ko sana kaso nailipat na ni Mr. Aguirre ang mikropono sa kamay ko. Iiling iling ko tuloy siyang nginitian.

"I really don't know what to say." Bahagya akong natawa dahil sa pangit ng intro ko "Hindi ko rin alam ang ambag ko dito sa meeting haha!" Saad ko at natawa

Nakitawa naman ang mga tao. Iniwasan ko nga lang mapunta sa gawi nila Azaie ang tingin ko.

"What can you say about the building that we are planning?" Tanong ni Mr. Aguirre

Napangiti naman ako sa tanong niya.

"Yes, that. Hmm, I would like to suggest that elders and childrens need to be in the same building. Alam naman nating mahilig ang mga matatanda sa bata. In order for them to be happy at hindi nila maramdamang may sakit sila." Suhestiyon ko

Tumango tango naman ang mga taong nandoon. Napalawak tuloy ang ngiti ko.

"About naman sa fund, I would love to donate a fund for the building. Gusto kong maging malawak yun dahil malapit ang puso ko sa mga matatanda at bata." Sineryong sabi ko

Nag palakpakan naman ang mga taong nandoon. Napatingin ako kay Mr. Aguirre upang ipabatid na wala na akong sasabihin.

"Last question, doc!" Sigaw ng isang babae

Agad naman akong napatingin sa gawing yoon, inaantay ang itatanong niya.

"Anong naging inspirasyon mo at bakit naging ganyan ka kasuccessful?" Tanong ng babae

Biglang nag flashback ang lahat ng pinagdaanan ko sa med school. Lalo na yung mga araw na pinipilit kong mag focus pero ang nasa isip ko ay si Azaie.

"Pain…" Umpisa ko, hindi ko parin tinatanggal ang ngiti sa labi ko "Ginanahan akong mag aral at mag trabaho dahil sa pain. I mean, who wants pain? No one right?" Saad ko

"Kanino po bang pain, doc? Sa inyo po ba o sa mga pasyente?" Natatawang tanong niya

Bahagyang nag hagikgikan ang mga tao.

"Both, I guess." Saad ko

Napatango tango naman ang babae. Bago pa siya mag salita ulit ay iniabot ko na kay Mr. Aguirre ang mikropono at nag tungo sa kinauupuan ko.

Naging maayos naman ang takbo ng meeting. Nang makaalis ako sa meeting room ay agad akong pumunta sa opisina ko. Sasandal palang ako sa upuan ko ng biglang bumukas ang pinto.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon