Chapter 24-Choose-

17 1 0
                                    

Azaie POV

Day 2 of exam. Last day of first semester.

WHAAAAAAAA! Last day na for this semester kaya dapat mag tino na ako.

Kasalukuyan kong sinasagutan ang exam sa pre cal. I'm gonna miss you pre cal, siguradong mas mahirap ang basic cal.

Nang matapos na kami mag exam nag punta kami sa canteen. Last day na pero di padin ako kinakausap ng matino ni Kyle.

"Imposibleng matapos. Pero ako na bahala tatapusin na namin ni Crystal para ayos na sa pasukan." Seryosong sabi ni Jiero

Ha? Anong sinasabi ni Jiero?

"Okay." Maikling tugon ni Kyle

Di ko tuloy alam kung anong sasabihin ko. Di ako sanay na nagagalit siya ng ganyan.

"Ano nga palang ginawa mo kasama ang mga kaibigan ni Kyster?" Tanong ni Crystal

Naalala ko na naman yung kahapon. Dahil lang pala kay Roudette!

"Wala yun. Tinawag nila ako para wag daw lapitan ni Roudette si Kyster." Sabi ko "Bigla kayong nawala? Saan kayo nag punta?" Tanong ko

Nagulat ako ng tumayo si Kyle dala dala ang bag niya.

"Alis na ako." Sabi ni Kyle at dirediretsong nag lakad

I don't know what to dooooo!

"Hay nako. Tinotopak na naman siya." Sabi ni Jiero

"May bago pa ba doon?" Natatawang sabi ni Crystal

Mayamaya pag tapos naming kumain ay umalis na kami sa school. Nag paalam muna ako sa kanila kasi pupunta ako sa secret place.

Pag dating ko doon ay may lalaking nakatalikod. Di ako nag kakamaling si Kyle yon.

"Akala ko pag balik ko dito masaya na ako. Pero at least naramdaman ko na ngayon ang galit. Nakakainis pala kapag di ka gusto ng gusto mo. Mayaman nga ako pero di ko naman siya kayang makuha. Tss!" Sabi ni Kyle at nag hagis ng bato

May nagugustuhan na nga siya? Sino? Bakit parang ayaw ko pang magkagusto siya sa iba? Natatakot ba akong mawala ang bestfriend ko sa akin?

"Kyle Azy Suazon, isang dakilang engot na nagkagusto sa isang babaeng na--no.. mali. Mukha siyang tomboy!" Inis na sabi niya ulit at nag bato ng bato sa lawa

Nag pasya na akong lumapit sa kanya kaya nagulat siya.

"Kanina ka pa nandyan?!" Inis na tanong niya sa akin

"Hindi ah. Ngayon lang. Kyle kung may problema ka pwede mo akong sabihan." Sabi ko

Nilayo niya ang tingin niya sa akin.

"Malaking tulong na ang hindi mo pagtitiwala sa mga taong ngayon mo lang nakikilala." Sabi niya at tumayo

Nag lakad na siya papunta sa bike niya kaya ganoon din ang ginawa ko. Mag kasabay na kami ngayong nag bibike.

"Masama ba kung iisipin kong dahil kay Mama at Papa kaya mo ako iniingatan?" Biglang tanong ko

Di ko na napigilan. Grabe kasi yung pagaalala niya sa akin.

"Banban ka talaga! Hindi dahil ka Tay at Nay pero dahil na din sa bestfriend kita. Hindi ko maatim na nakikita kang naloloko ng iba o nasasaktan ka ng iba." Seryosong sabi ni Kyle

Napatahimik ako.

"Sa tuwing nakikita kitang napapahamak gusto ko nalang na sa tabi mo ako lagi. Damn Azaie! You're driving me crazy!" Sabi pa nito

"Mag iingat na talaga ako Kyle. Wag ka na magalit sa akin. Sorry na." Sabi ko

Nakarating na kami sa bahay ko ng di ko namamalayan.

"You can always run to me Azaie. I will never go unless you let me go." Sabi ni Kyle

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa panahong ito, ibang Kyle ang nakikita ko. Itong nasa harapan ko ang responsable, mabait, at mapagalagang Kyle na never kong nakita in the past 2 years ago.

"Kyle.." Tugon ko

Nag umpisa na itong mag bike tyaka nag wave.

His sincerity. Nalilito ako, bakit nag cocontradict sila ni Kyster? Hindi pwede ito eh. Bestfriend ko siya, si Kyster din ay umaasa sa akin. Kaylangan kong piliin si Kyster.

Naiwan nalang akong nakatulala sa kinatatayuan ko. Nalilito talaga ako.

Lancelot, bakit si Azy pa? Tulungan mo naman ako kasi hindi pwede ito eh. Masisira ang pagkakaibigan namin. Masasaktan din si Kyster.

Do I need to avoid Kyle?

Kyster POV

Kaylan niya ba ako sasagutin? Para matapos na ang misyon! Ayoko na! Pinag sisisihan ko na ito kahit pa sabihing para ito kay Abby! Oo namatay ng malungkot si Abby pero hindi naman pwedeng gantihan ko nalang si Azaie! Wala na din naman si Lancelot kaya malamang masaya na si Abby dahil magkasama na sila!

Ayoko ding tuluyan akong mahulog kay Azaie. Pero ito na, nangyayari na. Hindi ako mag tataka kung magugustuhan man siya ni Kyle. Paano kaya kung wag ko nang ituloy ang plano? Seseryosohin ko ang panliligaw sa kanya?

Paano din kung sabihin nila Blan yung deal kay Azaie? Paniguradong aayawan ako ni Azaie. Paniguradong magagalit siya sa akin. Hindi pwede! Hindi ko na alam kung saan pa ako makakahanap ng tulad niya!

Ipagtatapat ko lang ang plano para hindi siya magalit sa akin. Hahanap lang ako ng tyempo.

Kinabukasan...

Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa kwarto ko. Tapos may kumakatok pa sa pinto ko.

"Kyster! Bangon na!" Sigaw ni Mommy

Inis akong bumangon.

"Opo!" Sigaw ko din

Pero kahit ganyan yang mga yan mahal ko pa naman din yan. Kahit na puro trabaho ang inaasikaso nila simula ng mamatay si Abby.

Nag hilamos muna ako at nag ayos ng sarili bago ako bumaba.

"Do you have any plans?" Tanong sakin ni Daddy

Agad akong umiling kasi wala naman talaga. Mag lalaro lang ako ng xbox.

"Do you want to enroll in a cooking class this sembreak?" Nakangiting alok ni Mommy

Hmm? Pwede din.

"Pwede din Mommy. I'll think about it." Sabi ko at umupo na para mag almusal

Tahimik lang akong nakain ng biglang nag tanong si Mommy.

"How about a girlfriend son? Wala ka bang ihaharap na girlfriend sa amin? Malapit na kitang ipakasal sa bestfriend ni Abby na si Roudette." Sabi ni Mommy

Eww!

"Don't do that or else aalis ako sa bahay. Nobody want that to happen right? Marinig ko palang ang pangalan niya at naririndi na agad ako at nandidiri!" Sabi ko

Nag tawanan naman sila.

"So you want a simple girl like... Azaie Klarkzion?" Sabi ni Daddy habang tinatapat kay Mommy ang tablet niya

Nagulat ako dahil alam niya ang tungkol doon. Alam ba nila yung plano?

"OMG son! Ang cute niya! May hawig siya kay Abby oh!" Tuwang tuwa na sabi ni Mommy

Napasilip tuloy ako doon sa tablet.

Oo nga!

"Ewan ko Mom and Dad. Bahala na kung siya ba talaga o ano." Sabi ko nalang

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon