Chapter 55-Done-

23 2 0
                                    

Kyle Azy POV

Hindi ko alam kung ano bang dapat ko maramandaman. Kung matutuwa ba ako kasi alam na ni Azaie, o magagalit kasi nakikita ko siyang umiiyak dahil sa walang kwentang Kyster na iyon.

"Hoy! Subukan mo lang talagang lapitan si Azaie ulit babanatan talaga kita!" Banta ni Jiero

Gustong gusto ko nang sapakin ngayon si Kyster. Pero hindi maari yon, magagalit sa akin si Dean. Gusto ko ring sundan si Azaie. Alam kong umiiyak na naman iyon dahil napakaiyakin no'n.

Hindi pa tapos ang duty dito kaya bawal pa akong umalis.

"Tara na sa loob. Wala na tayong mapapala dito." Saad ko

Tumalikod na kami at nag umpisang mag lakad papasok.

"Tatandaan niyo ito, babawiin ko siya." Saad ni Kyster mula sa likod

Hindi na namin ito pinansin at pumasok na kami sa loob. Naging walang kwenta para sa akin ang party dahil wala na si Azaie. Matapos ang party ay nag mamadali akong umuwi sa bahay.

I tried calling her pero naka patay ang cellphone niya.

Matapos kong mag palit ng desenteng damit ay agad akong nag tungo sa bahay ni Azaie gamit ang bike ko.

"Azaie! Lumabas ka dyan!" Sigaw ko

Alas dies na ng gabi pero nambubulabog parin ako dito sa labas ng bahay nila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Baka kung ano rin ang pumasok sa isip niya kaya kinakabahan ako.

"Umalis ka na." Saad niya mula sa main door

"Pero di ako aalis dito hanggat di ka okay!" Saad ko

Iritable itong tumingin sa akin.

"Hindi naman mababago ng presensya mo ang nararamdaman ko! Umalis ka na please lang!" Saad pa ni Azaie

"Hindi! Hindi ako aalis hanggat hindi ka okay!" Sigaw ko pa

Yamot itong lumabas ng main door at nag lakad papunta sa gate. Binuksan niya ang gate. Akala ko papasukin niya ako pero lumabas siya.

"Ano bang gusto mong mangyari?! Ipamukha sa akin na mali ako?!" Inis niyang sabi

Agad na kumunot ang noo ko.

"Ganoon ba ang tingin mo sakin, Azaie?" Tanong ko

"Oo! Dahil dyan ka naman magaling! Ang mag mayabang sa mga nakukuha mo! Ano?! Ngayon lamang ka na kasi tama ka diba?!" Saad niya

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya.

She's right. Sa pag mamayabang lang ako magaling.

"Hindi ako nag punta para yabangan ka. Nag punta ako dito para kamustahin ka--icomfort ka. Pero mukhang maling mali na naman ang timing ko." Bahagya akong tumawa "Mag uusap tayo kapag malamig na ang ulo mo. Goodnight." Saad ko at tumalikod na

Sumakay ako sa bike ko at nag umpisang umalis sa harapan niya.

LINGGO

Nag punta ako sa hospital para dalawin si Big Boss. Madaming tanong ang nakapaloob sa isipan ko ngayon na siya lang ang makakasagot.

"Big Boss, kamusta?" Tanong ko

Ngumiti ito sa akin.

Bagay na natutunan lang gawin ni Lolo dahil kay Azaie.

"Okay na ako, Kyle. 'Wag ka na masyadong mag alala. Tignan mo nga 'yang itsura mo, mas mukha ka pang may sakit sa akin." Saad ni Big Boss at hinaplos pa ang mukha ko

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon