Chapter 75-Who's Powerful?-

15 2 1
                                    

Azaie POV

Bumuti na ang pakiramdam ko ngunit hindi ang sitwasyon sa paligid. Nabalitaan ko kasi ngayong umaga na ginawa na ni Big Boss ang kontrata para ilipat ang kalahati ng shares sa binigay na pangalan ng kompanya ng lalaking iyon.

"Babantayan ko sa school si Azmarie, anak. Baka mapagpawisan na naman ng sobra ang batang iyon." Sabi ni Mama

Tumango naman ako sa kanya bilang tugon. Sabay silang aalis ni Papa dahil may aaskasuhin din si Papa sa kumpanya ng mga Suazon.

"Ah Ma!" Pigil ko kay Mama dahil paalis na sila ni Papa

"Bakit nak? Sasama ka ba?" Tanong ni Mama

Umiling ako bilang tugon.

"Hihingin ko lang po sana yung susi ng dati nating bahay." Saad ko

Agad namang nag halungkat si Mama sa bag niya para hanapin ang susi. Nang nakita niya ang susi ay binigay niya ito kaagad.

"Ingat po kayo." Saad ko at ngumiti

Bigla naman akong inakap ni Mama.

"Anak ikaw ang laging mag iingat dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nag collapse ka ulit." Saad ni Mama sa akin

Inakap ko naman siya ng mahigpit. Mayamaya pa ay nakiakap na rin si Papa. Nag mag kalas kami ay pinakatitigan ako ni Papa.

"Sana maintindihan mo ang lahat pagkatapos ng lahat ng ito. Ingat ka sa pupuntahan mo anak. Love you." Saad ni Papa at hinalikan ako sa noo

Ngumiti ako sa kanila at nag wave na.

"I love you two. Pakisabi kay Azmarie tutulungan ko siya sa assignment niya mamaya." Nakangiti kong sabi

Matapos noon ay nag hiwalay na kami ng daan. Mag pupunta pa kasi ako sa Bridgestone dahil natapos na daw ang construction. Napag usapan kasi namin ni Drei na kapag natapos na tyaka ako mag pupunta.

Nang makarating ako sa parking lot ay pinarada ko ang kotse ko. Nang makalabas ako ay napahinto ako sa mga nakaparadang bike.

Sobrang pamilyar ng lugar na ito para sa akin. Bago pa man ako kainin ng mga iniisip ko ay nag punta na ako sa bagong building.

Agad akong nag mano kay Chairman Andy ng makita ko siya. Kinamayan ko naman si Drei ng makita ko rin siya.

"Bueno, Azaie ikaw na muna ang bahala dito sa building. Kailangan ako ni kuya Armando dahil may pag uusapan kami patungkol sa kumpanya." Saad ni Chairman Andy

Tumango naman ako at ngumiti.

"Paki kamusta nalang po ako kay Big Boss. Mag iingat po kayo sa pag punta niyo sa kumpanya." Saad ko

Matapos noon ay ginawa ko na ang trabaho ko. Iminando ko na kung saan ipupwesto ang mga gamit para sa nga silid. Nang matapos ko ang gawain ko aalis na sana ako ngunit bigla akong tinawag ni Drei.

"Azaie I have something to tell." Saad ni Drei

"Go on." Nakangiti kong sabi

He became serious this time. Medyo kinakabahan ako sa aura niya ngayon. Mas dumadagdag ang kaba ko dahil sa maaring sabihin niya ngayon.

"You need to be careful to Kyster. You don't really know him better." Saad ni Drei

Bahagyang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Drei. Para kasing napakadami niyang alam tungkol kay Kyster na hindi ko alam.

"Bakit Drei? Ano bang meron kay Kyster?" Tanong ko

"I'm not in the right place to tell you but all I can say is he's the worst person. He's the type of person who is willing to remove all the people that will block his way." Saad ni Drei

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon