Chapter 76-Gone-

20 2 1
                                    

Kyle Azy POV

Halos mabingi ako sa tunog ng baril na iyon. Agad akong napalingon sa pinanggalingan noon at nakita kong may tama ng baril si Kyster. Mabilis itong tinulungan ng kanyang tauhan para mapigilan ang pag dugo ng kaniyang tagiliran. Hindi nag tagal ay nakarinig na naman ako ng pagkasa ng baril.

"Kimmiselle!" Sigaw ni Lolo

Napalingon ako kay Kimmiselle na disididong barilin ang tauhan ni Kyster. Ibang iba ang suot niya sa nakagawiang doctor's gown. Suot suot niya ang itim na pantalon at damit na kasama ang leather jacket.

"Let the police handle this, Kimmiselle. Back off. Asikasuhin mo ang mga apo ko." Utos ni Lolo

Wala itong nagawa kung hindi isilid ang baril niya sa kaniyang likod. Agad siyang nag tungo sa pwesto namin ni Azaie. Kumuha ito ng balisong at pinutol ang lubid na nasa kamay at paa.

Lumabas ang mga pulis na nakatago sa matataas na halaman at kaagad nilang nilapitan si Kyster at ang tauhan niya. Kami naman ni Kimmiselle ang bumuhat kay Azaie papunta sa kotse ni Lolo. Nakapwesto si Lolo sa passenger seat at si Kimmiselle naman ang nag mamaneho.

Kumuha ako ng telang maipangpipigil ng pagdurugo ng tama ni Azaie sa kaniyang balikat. Mabuti at mabilis kaming nakarating sa hospital.

Agad na nailagay si Azaie sa stretcher at ipinasok sa operating room. Sasama sana ako sa loob ng hilahin ako ni Lolo.

"Lolo…" saad ko at napaiyak nalang ako sa balikat ng lolo ko

Tinapiktapik niya ako sa balikat na para bang sinasabing maayos rin ang lahat.

"We have the best doctors here, you don't need to worry." Saad ni Lolo

"L-lolo ako na naman ang may kasalanan kung bakit siya nasa hospital ngayon." Saad ko

Big Boss let a sigh.

"It's not your fault, Kyle. Si Kyster ang may gawa ng lahat. I will make sure that he will rot in jail." Saad ni Lolo

Kumalas sa pagkakaakap si Lolo at pinunasan ang luha ko.

"You need to be treated." Saad ni Lolo at tumingin kay Kim, "Get him treated. Kami nila Ken at Klark ang bahala sa lalaking iyon. Pupunta si Andy kasama sina Redenta at Antoinette, accommodate them." Saad ni Big Boss

"Yes, Big Boss. Mag iingat kayo." Saad ni Kimmiselle at yumuko kay Big Boss

Tumango si Big Boss at umalis na sa harapan namin.

"Young master, this way." Saad ni Kimmiselle at inalalayan ako sa papunta sa isang kama

Mabilis niyang sinuot ang kanyang gown at nag lagay ng gloves sa kamay.

"You are really amazing Kim." Papuri ko dito

Ngumisi naman ito habang nag aayos ng mga gagamitin niya sa pag gamot ng sugat ko.

"Everything for Suazon Family, young master. Utang ko kay Big Boss ang lahat lahat sa buhay ko. Habang buhay kong pag lilingkuran ang pamilya niyo." Saad ni Kim

Bahagya akong napa-ngiti dito. Nag umpisa na kasi siyang gamutin ang mga sugat ko kaya nahihirapan akong ngumiti ng ayos.

"Huwag naman habang buhay. Baka hindi ka na mag kapamilya niyan." Pabiro kong sabi

Diniinan niya naman ang pag gamot sa sugat ko kaya halos mapaluha ako.

"'Wag mo akong biruin ng ganyan. Baka hingin kita kay Big Boss at hindi ka makaangal." Nakangisi niyang sabi

Napasimangot naman ako doon.

"Subukan mo. Sisingilin kita sa lahat ng nagastos ni Lolo sayo." Saad ko

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon