Chapter 52-Behind Those Fierce Eyes-

23 2 0
                                    

Azaie POV

Maaga akong naging dahil nakakahiya kung mag pupunta dito si Tita Celestine at hindi pa ako ayos. I'm now wearing a pants and a shirt. Too simple pero that's me eh.

Nang bumusina na ang kotse sa labas ay agad akong lumabas ng bahay.

Bumungad sa akin ang nakangiting si Tita Celestine.

"Nahihiya po talaga ako sa inyo, grabe." Saad ko

Natawa naman ito ng bahagya.

"I told you, 'wag kang mahihiya. Gusto ko lang talagang pasalamatan ka dahil sa pag aalaga mo kay Kyster ko." Nakangiting sabi ni Tita Celestine

Nginitian ko si Tita bilang tugon. Mabilis lang kaming nakapunta sa mall nila Crystal.

"I really love this mall. Kaibigan ko kasi ng high school hanggang college ang may ari nito." Sabi ni Tita Celestine

Namangha naman ako doon.

"Kaibigan niyo po si Mrs. Monte?" Tanong ko

Agad naman itong tumango.

"Madami kaming mag kakabarkada noon. Ako, ang asawa ko, Si Adeline at Marco Monte, pati na ang mga Suazon. Nag kagulo lang dahil sa mga magulang nila. Kaya tinanggap ko na pinag hiwahiwalay kami. Noong panahon kasi na 'yun ay wala kaming estado sa buhay. Noong naging mag asawa kami ni Stanley, nag tayo lang kami ng bakery. Hanggang sa lumaki ang negosyo at nakarating kami sa pagiging top 3 most riches family." Kwento ni Tita Celestine

Grabe din pala ang pinag daanan nila.

"Ang tyaga niyo po pala ni Tito Stanley." Sagot ko

Tumango tango si Tita.

"Oo. Doble kayod talaga kami dahil sakitin si Kyster noong bata ito. May asthma siya noon kaya hirap din ako dahil 'di ko siya maiwanan." Sabi ni Tita Celestine

Alam ko nga din sakitin rin ako noong baby pa ako eh. Buti nakayanan din nila mama.

Nagulat ako ng hilahin ako ni Tita Celestine sa loob ng isang fashion boutique.

"Pakikuha lahat ng latest designs bibilhin ko agad." Saad ni Tita Celestine

Agad na lumaki ang mga mata ko.

"Hala Tita ang mahal po dito ah." Nag aalalang sagot ko

"Please? Let me do this for you. Gusto ko talaga ng anak na babae kaya ganito ako." Saad ni Tita Celestine

Napabuntong hininga nalang ako.

Biglang nag ring ang cellphone ko kaya naman agad kong sinagot. Si Mama ang natawag.

"Nak? Nasaan ka?" Tanong ni Mama

Bakit alam niyang wala ako sa bahay? Umuwi na kaya sila?

"Nasa Mall, Ma. Kasama ko ang mommy ni Kyster. Bakit po?" Saad ko

"Tinanong ko kasi sina Crystal. Hindi daw niya alam dahil umalis na sila ng bahay. Bakit nak? Anong nangyari?" Tanong ni Mama

"Tyaka ko nalang ikwekwento Ma. Nasasaktan pa din ako sa ginawa nila." Saad ko

"Pasensya na at wala ako dyan para icomfort ka. Palagi mong tatandaan na mahal ka namin ni Papa ha? Para sayo ang lahat ng ginagawa namin."  Sabi ni Mama

Mukhang naiiyak na naman siya.

"Mama di ko naman kakalimutan yun. Wag ka na umiyak dyan. Magiging ayos din po ang lahat. Ano na nga po pala ang nangyayari dyan?" Tanong ko

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon