Chapter 62-Another Deal-

14 3 1
                                    

Azaie POV

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

Ilang beses na akong tumatawag kay Kyle pero hindi niya ito sinasagot.

I texted him.

To: Azy Azy Azy
Kyle?! Nasan ka?!
8:30 pm

To: Azy Azy Azy
Hintayin mo ako. Pupunta ako dyan.
8:40 pm

To: Azy Azy Azy
I already know it. Bakit ngayon mo lang sinabi?!
8:45 pm

To: Azy Azy Azy
Kyle :'(
8:46 pm

Halos malapit na kami sa entrance ng airport kaya naman bumaba na ako ng taxi. Patakbo na akong pumunta sa mismong pinapasukan ng mga may flight.

"Ma'am? Pwede po bang makita ang passporte niyo?" Tanong ng security

Nag mamakaawa naman akong tumingin sa kanya.

"K-kuya! Pwede po bang pumasok? Saglit lang po talaga. May kakausapin lang po ako." Pag mamakaawa ko

Halo halo na ang nararamdaman ko. Dahil doon hindi ko na mapigilan ang luha ko.

"Ma'am hindi po pwede. Wala naman po kayong flight ngayon. Mahigpit pong ipinagbabawal---"

"Kuya sige na po! Saglit lang po talaga. Promise bibilisan ko lang po. Kuya aalis na kasi siya eh." Nag mamakaawa kong sabi

Kitang kita ko ang awa ng security sa akin. Bahagya siyang napailing iling.

Napaupo na ako sa sahig.

Bakit hindi mo ba sinabi ang lahat?

Wala sa sarili akong nag lakad at pumunta sa glass wall. Doon ko nakita ang pamilyar na likod.

"K-kyle." Naiiyak na sabi ko

Mabilis akong nag tungo sa mismong entrance ng airport. Saglit na nalingat ang security kaya naman nakapasok ako. Lalapit na sana ako kay Kyle ng may humila sa akin.

"Kyster?!" Gulat kong sabi

Nilingon ko ulit si Kyle. Aalis na siya!

"Kyle!" Buong lakas na sigaw ko!

Napalinga linga pa ito sa gilid niya. Sisigaw sana ako ulit ng takpan ni Kyster ang bibig ko. Nag pupumiglas naman ako sa kanya dahil dadalhin niya ako sa labas!

Agad kaming nakarating sa labas.

"Pasensya na po, Sir. Okay na po nalabas ko na siya." Saad ni Kyster sa security

Kinaladkad niya pa ako papunta sa mismong high way!

Galit akong tumingin kay Kyster.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Di mo ba nakita na pipigilan ko si Kyle na umalis?!" Galit kong sigaw sa kanya

"He is leaving! Gagawa ka pa ng paraan para mag stay siya?! Can't you see the situation?!" Inis na sabi ni Kyster

*PAAAAAAAK*

Hindi ko na napigilan ang sarili kong sampalin siya ng malakas!

"Hindi ako ang hindi nakakaintindi ng sitwasyon! Ikaw yon! Pipigilan ko na siya sa pag alis!" Saad ko

Lalakad na sana ako palayo ng hilahin niya ang pulsuhan ko!

"Azaie give up! Aalis na siya oh!" Sigaw sa akin ni Kyster

Bahagya akong napangisi sa kanya.

"N-noong nakaraan. Sinabi mong hindi kita m-minahal. T-tama ka. H-hindi nga. Kasi si Kyle talaga ang gusto ko at hindi ikaw. Siya ang totoong laman ng puso ko." Saad ko at tinulak si Kyster

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon