Chapter 38-Slowpoke-

17 3 0
                                    

Azaie POV

So ayun nga. Sinundo kami kanina ng kotse ng mga Suazon. Nakakatakot nga eh mga naka men in black.

As we reach the Suazon's Mansion--teka bakit ba ako nag eenglish di naman ako mayaman!

Winelcome agad kami ng butler yata tawag doon. Tapos kasama ng mga maids.

"Good afternoon young master Kyle. Inaantay na po kayo sa garden ni Big Boss." Bati ng isang butler

Tumango naman si Kyle tapos nilagpasan na yung butler. Nilingon ko yung butler at nginitian.

"Bad ka talaga. Kinakausap ka ng maayos eh." Sabi ko

Nilingon ako nito.

"Pinaplastik lang naman nila ako. Kampi kampi silang lahat dito sa loob ng mansion. Ang loyalty nila ay kay Big Boss. Hindi sa akin." Sabi ni Kyle

Ah. Yun pala yun.

"Okay lang yan. Loyal naman bestfriend mo." Sabi ko

Ngumisi lang ito sa akin.

Tignan mo itong mayabang na ito! Chinicheer up mo tapos gaganyan ka!

Nang makarating kami sa garden ay tumambad sakin yung angkan ni Kyle. Nakita ko nga agad si Tita Charlotte eh.

Ang lawak ng garden grabe! Tapos ayun hinila ako ni Kyle papunta dito sa garden.

"I'm glad dahil sumama ka Azaie." Sabi ni Tita Redenta

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Wala po yun Tita. Nakakahiya nga po eh, puro kayo Suazon dito eh." Sabi ko

Narinig kong tumawa si Big Boss kaya napatingin ako.

"Masyado pang maaga para mag biro Azaie. Umupo ka na kayo ni Kyle." Sabi ni Big Boss

Ah.. di naman ako nag bibiro eh.

Umupo nalang kami ni Kyle.

"Be yourself at wag mo silang pansinin." Bulong ni Kyle

Ngumiti naman ako dito at nag thumbs up.

"This is for the celebration of Kyle's birthday so let's crap the non sense okay?" Sabi ni Chairman Andy

Tumango naman sila.

"And oh, it's Azaie's birthday. Isasama na natin ang celebration ng birthday niya." Sabi ni Big Boss

Hala.

"Ay hindi na po. Nakakahiya naman po." Naiilang na sabi ko

Ngumiti sa akin si Big Boss.

"Hindi ka na bago sa amin. Para ka nang pamilya sa amin." Nakangiting sabi ni Big Boss

Mukhang di siya nag bibiro kaya ngumiti ako ng sweet. Si Lolo naman eh nambobola pa.

"Ay salamat po kung ganoon." Sabi ko

May dumating na chef tapos inilagay niya sa tapat namin yung cake!

"Wow vanilla!" Sabay na sabi namin ni Kyle

Nag katinginan pa kami tapos tumawa. Parehas pala naming gusto ang vanilla!

Sinindihan naman ng chef yung dalawang candle.

"Blow the candles guys!" Anunsyo ni Tito Ken

Sabay naman naming hinipan yung candle tapos nag palakpakan sila.

"Picture muna kayong dalawa dali!" Natutuwang sabi ni Tita Redenta habang may hawak na camera

Nag pose naman kami ni Kyle tapos pinicturan kami ni Tita Redenta.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon