Epilogue:

64 3 3
                                    

Azaie POV

"Do you take Kyle Azy Suazon as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" Tanong ni father sa akin

Bigla ay napangisi ako dahil doon.

"Father pwede po bang mag isip muna? Baka po pagsisihan ko itong gagawin ko eh." Saad ko

Halos manlaki na naman ang mata ni Kyle dahil sa ginawa ko. Ayun na naman ang pagsasalubong ng kilay niya kaya halos matawa ako.

"Okay na po. Nakapag isip na po ako na…" pambibitin ko, halos hindi naman makahinga itong katabi ko sa isasagot ko "Sige na po, Father. Pakakasalan ko na ito." Natatawa kong sabi

Halos lahat rin ng nasa simbahan ay mag tawanan dahil sa sinabi ko. Naramdaman ko namang nakahinga ng maluwag si Kyle.

Tsk tsk tsk. Patay na patay sakin.

"Groom, do you take Azaie Klarkzion as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" Tanong ni Father

Ngumiti si Kyle at tumingin sa akin.

"I do, Father." Saad ni Kyle

Dumating na rin ang oras na ibibigay na namin ang singsing ng isa't isa. Napangiti ako dahil doon. Bigla ay naalala ko ang pagpapakita niya ng kaliwa niyang kamay na pinapakita niyang wala pa siyang asawa. Mukha siyang bata doon.

Isinuot namin sa isa't isa ang singsing ng may ngiti sa isa't isa.

"I take this ring as a sign of my love and faithfulness in the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit." Saad ni Kyle

Ganoon din naman ang ginawa ko,

"I take this ring as a sign of my love and faithfulness in the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit." Saad ko

Bigla ay ngumisi si Kyle sinamaan ko naman ito ng tingin dahil alam ko na ang liko ng sungay nito.

"Groom, you may now kiss the bride." Saad ni Father

Ang engot na si Kyle ay excited na excited na inalis ang wedding vail ko.

"Bwisit ka ito lang yata pinunta mo dit--"

Hindi ko na natapos ang pagbulong ko dahil bigla akong kiniss nito. Mabuti at smack lang iyon.

Halos mabingi ako sa palakpakan ng mga tao. Kasing lakas yata ng mga palakpakan ang tibok ng puso ko ngayon.

Napatingin ako kay Kyle na sobrang lawak ng ngiti. I rolled my eyes to him pero nagulat ako ng ilapit niya ang labi niya sa tenga ko.

"Smack lang yon. Babawi ako mamaya." Bulong niya

Inis ko naman itong nilingon.

"Kiss mo sarili mo." Pang aasar ko

Few weeks later…

"Minion!" Tawag ni Kyle sa akin

Bwisit na bwisit ko naman iyong nilingon. Nandoon siya sa sala ng bahay namin at tuwang tuwa na tinititigan akong nag luluto.

"Tigilan mo ako Kyle! Pwedeng pwede kita i-divorce! Ikaw dapat ang nag luluto dito eh!" Inis kong sabi

Tatawa tawa naman itong lumapit sa akin. Bigla ay binuhat ako nito papaupo sa bar island.

"Okay ako na mag luluto. Mamaya kung kaninong chef ka pa pumunta nyan eh." Saad niya

Natatawa kong pinisil ang pisngi nito at siya namang ikinakunot ng noo niya.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon