Chapter 26-Sun Rise-

22 2 0
                                    

Azaie POV

After namin mag dinner ay tumambay muna kami sa tabi ng dagat.

"Diba star din yung sun? Bakit ayaw mo yun?" Tanong ko

Syempre may onti din naman akong alam about sa Science HAHAHA.

"Ayaw ko nga non! Pano kita babantayan kung minsan lang kita makikita? Diba? Nag kikita lang ang sun at moon tuwing may eclipse? Edi di ko makikita kaibigan ko." Sabi niya

Kaibigan. Tama nga naman siya.

"Bakit ka nagagalit? Nag tatanong lang eh." Sabi ko

Lumapit sa amin si Jiero at Crystal. Kanina pa kasi nag haharutan yang dalawang yan eh. Nang huhuli ng maliliit na crabs.

"Ano bang problema niyo sa araw at buwan? Nananahimik sila dyan eh." Sabi ni Crystal at umupo sa tabi ko

"Ewan ko ba dyan sa dalawang yan. Kanina pa nag tatalo." Sabi ni Jiero at umupo sa tabi ni Kyle

Dalawang alien. Tsk!

"Di niyo talaga kami maiintindihan kasi alien lang kayo sa amin." Sabi ni Kyle at tumawa

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Sabi pala ni ate Asia, bukas daw ang practice para sa ceremony." Sabi ni Jiero

Napatango naman ako.

"Abay tayong apat. Sad to say tayo din yata ang mag kakapartner?" Sabi ni Crystal

Kaylangan ba noon? May iba naman na nag lalakad lang mag isa ang abay ah.

"Bukas na natin problemahin yan. Matulog nalang tayo." Sabi ni Kyle at tumayo na

Napagpasyahan na namin pumasok sa villa at nag punta sa kanya kanya naming kwarto.

"Alam mo Zaie, natatakot ako." Sabi ni Crystal

Agad akong napalingon dito kasi nag aayos ako ng mga damit na pinahiram ni ate Asia.

"Ha? Bakit? Saan?" Sunod sunod na tanong ko

Napabuntong hininga ito ng malalim.

"Si Jiero kasi, ngayon ko lang nakikilala. Baka kasi nag sisinungaling lang siya na gusto niya talaga ako. Alam mo na, takot na takot ako kapag napagsisinungalingan ako. Dahil doon nag kakatrust issue ako." Sabi ni Crystal

Tanda ko nga noong junior high, may lalaking nanloko sa kanya. Yun pala kaya dumidikit sa kanya kasi alam niyang mayaman si Crystal. Nasuntok ko yung lalaking yun eh kaya napaoffice ako hehe.

"Ahm, hindi naman lahat ng tao ay manloloko eh. Look at his eyes because they never lie. He look so inlove with you." Sabi ko

Totoo yung sinabi ko. Ngayon ko lang din naman nakilala si Jiero pero I can see na gustong gusto siya ni Jiero. Simula ng lumipat sa amin yon ay di na inalis ang tingin niya kay Crystal.

Ngumiti si Crystal sa akin.

"Sana walang manloko sa atin. Ingat ka din Zaie. Crush mo nga si Kyster ng two years pero ngayon mo pa lang siya nakikilala, may mga bagay ka pang hindi alam." Sabi ni Crystal

Dumiretso na ito sa kama niya at nahiga.

"Ah--goodnight Crystal." Sabi ko nalang

Kinabukasan...

Nagising ako sa katok sa pinto kaya bumango agad ako at binuksan yon.

Inaantok pa talaga ako eh!

"Good morning Minion. Breakfast is ready!"

Natauhan ako sa nag salita! Si Kyle!

Agad kong tinakpan ang mukha ko at tumalikod. Dumiretso ako sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush.

Nakakahiya talaga yon!

Pag labas ko ay nag punta agad ako sa labas. Doon kasi nakaset ang breakfast. Kaso nagulat ako kasi di pa nasikat ang araw. Agad kong chineck ang cellphone ko para tignan ang oras. 5:30 am palang pala.

"Maganda daw makita ang pag sikat ng araw mula dito eh." Sabi ni Kyle at umupo sa tabi ko "Yung dalawa nasa tabing dagat. Doon daw nila papanoodin yung pagsikat ng araw." Dagdag pa ni Kyle

Tumango ako.

Unti unti nang nag papakita ang araw. Kasabay nito ang pag tama ng liwanag sa mukha ni Kyle. Sun kissed?

Nilabas ko ang cellphone ko at pasimple siyang kinuhaan ng picture. Nakatitig kasi ito sa dagat eh. Tapos sunod kong pinicture-an ang sun rise.

"Azaie wag kang gagalaw." Sabi ni Kyle

Natuod naman ako sa pwesto ko. Hawak ko pa man din ang cellphone ko na nakaratapat sa dagat. Di ko din magawang lumingon sa kanya.

"Ayan. Okay na." Sabi ni Kyle

Agad ko itong nilingon.

"Bakit ba?" Tanong ko

Umiling ito at tumawa. Pinag titripan na naman ako!

"Tigil tigilan mo ako Kyle ah. Umagang umaga!" Inis na sabi ko dito

Bigla itong pumito. Pag katapos nito ay dumating na si Jiero at Crystal.

Wow. Ano aso?

"Tara na! Lalamig pa yung pagkain dahil sa inyo eh!" Sabi ni Kyle

Nag umpisa na kaming kumain.

"Gusto niyo mag part time job?" Biglang tanong ni Kyle

Parang feeling ko kumislap ang mata ko. Kasi experience yun eh. Gustong gusto kong mag trabaho para konti nalang hihingin kong pera kay Mama at Papa o kaya di na ako hihingi!

"Sige!" Sabay na sabi naming tatlo

"Tumawag kasi kagabi si Big Boss sa akin. He want to meet us after this week. Siguro encoder lang tayo doon." Sabi ni Kyle

Agad akong tumango.

"Pasok naman yun kasi diba STEM tayo. May computer na tayong subject next sem eh." Sabi ko

"Wow oo nga! Nice offer G.O.O!" Sabi ni Crystal

Ha?

"Ano yung G.O.O?" Tanong ko

Tumawa si Crystal bago mag salita. Baliw amp.

"Grandson Of the Owner hehe." Sabi ni Crystal

Sabay sabay naman kaming bumalik sa pag kain namin.

"Wala kayong kwenta." Sabi ni Crystal

Natawa naman kaming tatlo.

After breakfast ay nag tungo na kami sa pag dadausan ng kasal. Inayos ng organizer ang mga pwesto namin. Yun lang naman daw ang kaylangan. Tapos diniscuss samin yung flow ng ceremony.

Matapos ang practice ay pumunta sa amin si Ate Asia kasama yung fiancé niya.

"Hello guys! Ito nga pala si Kael Quinto my fiancé." Sabi ni ate Asia

Parang familiar siya sa akin.

"Is your little brother gonna be here?" Napatigil sa pag sasalita si Crystal kay kuya Kael "Syempre, kapatid mo nga siya eh. Please lang wag mong ipapakita ang mukha niya sa akin." Sabi ni Crystal

BINGO! Siya yung kapatid ng ex ni Crystal.

Nanlaki ang mata ni ate Asia.

"Kapatid niya yung nanloko sayo Crystal? OMG!" Gulat na sabi ni Ate Asia

Umiling si Crystal.

"Yes ate. And please don't involve yourself here. I don't want to ruin your wedding. Sinabihan ko lang si kuya Kael." Sabi ni Crystal at ngumiti

"I'm so sorry about my little brother. Immature talaga siya. Pupunta nga siya dito pero I will make sure na di kayo mag kikita." Sabi ni kuya Kael

Tumango naman si Crystal.

Nag wave na sa amin si ate Asia kaya nag wave na din kami.

"Grabe kalat na talaga mga manloloko ngayon." Sabi ni Kyle

Napalingon ako dito. Nakatingin lang ito kay Jiero at Crystal.

May pinapatamaan ba siya?

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon