Chapter 77-He's Back-

20 1 0
                                    

Azaie POV

2 YEARS LATER…

"If you can't follow my orders you can leave the team." Saad ko

Napayuko naman ito dahil sa sinabi ko.

"Gagawa po ako ng paraan Ms. Azaie. I will bring him to you no matter what." Saad ni Secretary Ami

Mabilis itong umalis ng opisina ko. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at mabilis na umalis rin ng opisina. Papasok na sana ako ng meeting room ng mag ring ang cellphone ko. Kaagad ko namang itong sinagot dahil si Crystal iyon.

"Hi CEO!" Bati niya sa akin

"Bakit naman sobrang hyper mo? Anong meron?" Natatawang sagot ko dito

"Good news or bad news?" Tanong ni Crystal

Napaisip naman ako kung anong uunahin ko. Nung huli niya kasing tinanong yan parehong hindi ako natuwa eh.

Tinanong ako kung good news o bad news parehas namang bad news!

"Mamaya nalang kaya? Papunta ako sa meeting eh." Saad ko

Napabuntong hininga si Crystal. Naputol ko kasi ang excitement niya.

"Okay! Sayang naman! Tawagan kita mamaya!" Sabi ni Crystal at binaba ang tawag

Kaagad naman binuksan ang pinto ng meeting room ng makita nila ako.

"Ayan na naman siya, ano na naman kayang ipapagawa niya?"

"Mag susungit na naman yan. Napagalitan nga si Secretary Ami eh."

"Hayaan niyo na ganoon talaga kapag single."

Inis kong nilingon ang mga nag bubulungan na iyon. Nag iwas naman sila kaagad ng tingin dahil doon. Umupo ako sa may pinakaunahan ng mahabang lamesa at pinakatitigan silang lahat.

"Nasaan na ang mga ideya niyo?" Tanong ko

Mabilis namang ibinigay sa akin ng hard copy ng nga ideas nila. Kunot noo kong binasa ang mga iyon at pinag tatapon iyon sa lapag.

"Ang taas taas ng sweldo niyo tapos iyon lang naisip niyo? Tanggalin ko nalang kayong lahat?" Inis kong sabi

Napayuko halos ang lahat dahil sa sinabi ko. Inis kong nilisan ang meeting room at nag tungo ulit sa opisina ko.

Naiinis na ako! Bakit ba kasi nandito ako?! Dapat pang architect ang ginawa ko eh!

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at kaagad na nag tungo sa parking lot. Mabilis akong nag tungo sa mansyon at tinunton ang kinalalagyan ni Lolo.

"Apo!" Masayang sabi ni Lolo

Nakasimangot ko naman itong tinanungan.

"Anong mayroon anak?" Tanong ni Mommy Redenta

Humalukipkip ako at umupo sa sofa. Lahat sila ay nakatingin lang sa akin at nag aabang ng isasagot ko.

"Ayoko nang maging CEO. Ayoko ng pwesto na yon." Saad ko

Narinig ko namang tumawa si Mama Antoinette at Papa Klark.

"Sabi sa inyo, Big Boss. Hindi niya tatagalan iyan. Hindi sanay ang kamay nyan ng hindi gumagawa ng designs ng bahay." Saad ni Mama at natawa pa

Mas napa pout tuloy ako doon.

"Let's have someone to handle it, Papá. Mukhang naiistress na ang anak ko. Napagalitan na naman niya ang Secretary niya eh." Saad ni Daddy Ken

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon