Chapter 57-Distress-

17 3 0
                                    

Kyle Azy POV

"Tapos na ang five minutes."

Doon nagising ang diwa ko at ngumiti kay Azaie.

"Salamat, minion." Nakangiti kong sabi

Di naman ako pinansin nito at umupo ulit.

Umupo nalang din ako dahil di ko naman siya mapipilit sumayaw.

Nagulat naman ako ng tumunog ang cellphone ko. May message.

From: Kyster -,-
I need to tell you something.

Ano na naman kaya yon?

To: Kyster -,-
What is it again?

From: Kyster
I want to say it in person. Meet me at St. Julien Park. 9:00 pm.

Aba?! Pero sige. Tapusin na natin ang dapat tapusin.

Napatingin ako sa relo ko. 8:30 na pala.

Nang matapos ang music ay bumalik na sila Jiero at Crystal. Agad kong nilapitan si Jiero.

"Uuwi ako ng maaga. Pakiuwi nalang si Azaie." Bulong ko

"Ha?! Bakit naman?! Ang aga naman!" Saad nito

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Ang ingay mo! May usapan kami ni Kyster ng 9:00 pm sa St. Julien Park. Tatapusin ko na ito." Bulong ko

Tumango tango nalang si Jiero. Iniayos ko na rin ang sarili ko oara umalis.

"Hala lowbat na ako! Kyle yung cellphone mo?" Tanong ni Crystal

Iniabot ko naman ito sa kanya.

"Ayaaaan! Mas maganda camera mo sa akin eh. Picture muna!" Sabi ni Crystal

Nag picture naman kaming apat. Bigla akong napatingin sa relo ko.

8:45 pm na!

"Aalis na ako, Jiero. Ang bilin ko ah?" Saad ko

Tumango naman siya. Agad na rin akong umalis at dumiretso sa parking. Sumakay na ako sa kotse.

"Manong, sa St. Julien Park po." Saad ko

Agad namang nag maneho si Manong at nakarating kami doon. Wala nang tao dahil nga 9:00 pm na.

"Young master iintayin ko po kayo." Saad ni Manong

Agad akong umiling.

"Wag na po! Malapit na po dito ang bahay kaya pwede na naman po ako mag lakad." Saad ko

"Sigurado po kayo?" Tanong ni Manong

Tumango ako at ngumiti.

"Sige, mag iingat ka young master." Saad ni Manong

Bumaba na ako sa kotse at nag umpisang hanapin si Kyster.

Tss. Napakapaimportante.

"Buti naman dumating ka."

Agad kong nilingon ang boses na yon. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Who are you?" Tanong ko

Ngumisi naman ito sa akin.

"Hindi mo na kailangan malaman pa." Saad niya

Ano ito?! Name guessing?! Engot!

"Ano ba? Alagad ka ba ni Kyster? Asan si Kyster?" Inis kong sabi

Gulat na gulat ako ng sugudin ako nito. Mabuti at nakaiwas ako sa suntok niya. Agad kong hinawakan ang balikat niya at sinuntok siya!

"Gag* ka Suazon!" Inis na sabi nito

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon