Chapter 64-Rescue-

20 2 1
                                    

Kyle Azy POV

8 YEARS AFTER...

"Doctor Suazon!"

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.

"What again?" Iritable kong tanong

Paano, kanina pa 'yan nang hihingi ng tulong sa simbleng pag bebenda sa pasyente niya!

"A-ah Sir. Your secretary said that everything is settled. You can go back to the Philippines." Saad ng Nurse

So this is the deal huh?

Inis ko naman siyang tinalikuran. Agad akong nag maneho papunta sa bahay. Naabutan ko si Big Boss na nakatayo at may hawak na maleta.

"Nahanda ko na ang gamit mo. Mamayamaya ay aalis na tayo." Saad ni Big Boss at ngumiti

Kunot noo ko naman siyang tinignan.

"Pero Big Boss, sabi ko po hindi na ako babalik doon." Saad ko

Napailing naman si Lolo. Umupo na muna siya sa sofa. Tinapik niya ang sofa para umupo ako. Agad naman akong umupo doon.

"Kyle, panahon na para bumalik sa Pilipinas. Ayos na ang lagay ko, ayos ka na din. Bakit hindi tayo bumalik doon?" Tanong Big Boss

Kahit isang araw Lo, hindi ako umayos.

"A-ayoko na pong bumalik doon." Maikli kong tugon

Umiling iling naman si Big Boss.

"Hindi yan ang Kyle na kilala ko. Matapang ang kilala kong Kyle. Tyaka kung naka move on ka na, babalik ka na ng Pilipinas." Saad ni Big Boss

"Marami po akong trabaho. Tyaka yung mga kamag anak po ni Lola, madami silang umaasa sa akin." Saad ko

Napabuntong hininga si Big Boss.

"Hindi mo man lang naisip ang sarili mong mga magulang. Araw araw gusto ka nilang kausap pero hindi mo sila kinakausap. Walong taon ka nang nawala sa kanila, hindi mo ba ipaparanas sa kanila ang may anak?" Saad ni Big Boss

Doon ako natauhan. Si Mama at Papa nga pala ay medyo matanda na rin.

"Fine. Babalik ako pero saglit lang. Kukunin ko na si Mama at Papa. Dito na kami titira." Saad ko

Tumango naman si Big Boss at ngumiti. Animong nag tagumpay siya dahil napapayag niya ako.

"Sige. Ikaw ang bahala. Basta babalik tayo ngayon sa Pilipinas. Mag bihis ka na." Saad ni Big Boss

Tamad na tamad akong kumilos. Iisipin ko palang na babalik ako doon parang gusto ko nalang mahiga sa kama ko.

Sa buong walong taon na wala ako kuminikasyon sa kanila ay medyo naging okay ako. Pero alam ko sa sarili kong hindi parin ako ayos. Right, I become a doctor. But I can't even heal my broken heart.

Right, no medicine can heal a broken heart.

Eight years na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Pakiramdam ko araw araw akong binabangungot ng nakaraan.

Man up Kyle. Sila lang yan. Maging matapang ka at ipakita sa kanilang lahat na kinaya mo.

"Master Kyle? Aalis na po tayo." Saad ni Secretary Dino

Agad na akong lumabas ng kwarto ko. Dumiretso na agad kami sa kotse at nag tungo sa airport.

"Alam ba ni Mommy at Daddy na babalik na tayo?" Tanong ko

Umiling si Big Boss.

"I want you to surprise them." Saad ni Big Boss

Napangiti naman ako doon.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon