Chapter 74-Messed Up-

15 2 1
                                    

Kyster POV

When Kenover told me that he have Kyle ay agad akong pumunta sa bahay na nirentahan niya. Medyo marumi ito at malayo sa siyudad. Napakahirap mag punta dito dahil hindi rin maganda ang lugar.

"Sir!" Tawag sa akin ni Kenover

Namataan ko itong inaayos ang pag pag kakatali nito kay Kyle na walang malay.

"Sigurado ka bang walang nakakita sayo? Malilintikan ka sakin kapag may nakakita sa ginawa mo!" Saad ko

"Wala po, Sir. Malinis ko pong nagawa ang trabaho dahil umalis si Ma'am Azaie." Saad ni Kenover

Nilapitan ko naman si Kyle at agad itong binigwasan para magising. Napaungol ito sa sakit nag pagkakasuntok ko sa mukha niya.

"Goodmorning, Kyle." Nakangisi kong saad

Matalim na titig ang isinukli nito sa akin. Halatang iniinda niya parin ang sakit ng katawan niya dahil hindi pa ito fully recovered.

"Tarantado ka, Kyster." Nang hihinang sabi niya

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Marahas kong kinuha ang buhok niya at iniangat ang ulo niya.

"Totoo yan Kyle. Kaya nga mamamatay ka na dito eh. Pero bago yon, kailangan mo muna kami bigyan ng yaman mo." Saad ko

Ngumisi ito sa akin kaya mas lalo kong hinigpitan ang pag kapit ko sa buhok niya. Gustong gusto kong matanggal ang ulo niya sa pagkakakapit ko.

"Sigurado ka na dyan? Hindi mo ba alam kung ilan ang buhay ko?" Nang aasar na sabi ni Kyle

Sa galit ay sunod sunod kong sinuntok ang mukha nito. Umagos ang napakaraming dugo galing sa bibig nito na siyang nag pangiti sa akin.

"Shut up! Ni-hindi ka nga makalakad eh! Kailangan mo pa nga ng wheelchair para lang makalibot." Saad ko

Idinura nito sa akin ang dugong nasa bibig niya kaya mas lalo akong nainis.

"Goodluck." Saad ni Kyle

Susuntukin ko sana siya ng pigilan ako ni Kenover.

"Sir hinahanap ka ni Kimmiselle." Saad ni Kenover

Nakita ko namang medyo nagulat si Kyle. Dahil doon tumawa ako.

"Nagulat ka ba? You're right. Kasama namin si Kimmiselle. You feel so betrayed?" Natatawa kong sabi

Hindi ito umimik at tumingin nalang sa malayo.

Mabilis naman akong nag tungo sa hospital at nag punta sa opisina ni Kim. Naabutan ko itong umiinom ng tea at nakadikwatro pa.

"Why?" Tanong ko

She smiled and then point the chair on her front telling me to sit down. Ganoon nga ang ginawa ko, nasa harap ako ngayon ni Kim na parang baliw na nakangiti.

"How was it? Patay na ba si Kyle? I badly want the promotion!" Saad ni Kimmiselle

Nag kibit balikat ako.

"I don't know? Maybe he's dead inside because he already knew that you betrayed him." Saad ko at natawa

She sip her tea and laugh.

"Anong sunod na plano?" Tanong ni Kim

"I want his wealth as well. Gusto ko maubos ang yaman ng Suazon dahil lang sa apo nilang mamatay rin naman." Saad ko

Napapalakpak naman doon si Kimmiselle.

See? She's really a very best friend!

"Edi hanggat hindi pa kayo nakikipag negotiate he need to be treated. Kailangan presentable siya sa harap ng camera kapag ipinakita natin siya sa mga Suazon." Naeexcite na sabi ni Kim

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon