Chapter 27-Tomboy-

25 3 0
                                    

Azaie POV

Nasa dagat kami ngayon at nag swiswimming. Bukas daw ulit ng umaga ang practice dahil may mga kulang pa, yung iba kasi ay di pa nakakadating since galing sila sa iba't ibang lugar.

"Pakalmahin mo nga si Crystal. Kanina pa naiinis eh." Sabi ni Kyle

Agad naman kaming lumapit dito. Kanina pa siya tinatry kausapin ni Jiero pero walang response.

"Hey Crystal. Tama na yang galit mo. Tapos na naman yun eh. Tyaka you need to prove him that you already move on. Kapag nilapitan ka niya lalapit ulit ang kamao ko sa mukha niya, okay?" Sabi ko

Bahagya naman itong ngumiti sa akin.

"Bumalik lang talaga sa akin yung mga ginawa niya. Successful naman pala ang family nila, bakit kaylangan niya pang gawin yon?" Inis na sabi ni Crystal

Narinig kong tumawa si Jiero.

"Wag mo na isipin yon. Tignan mo nasasayang lang ang oras mo. Sure akong di yon pogi tulad ko." Sabi ni Jiero

Doon na tumawa ng malakas si Crystal. Ayan good!

"Ayan kasamahin mo pinsan ko ah? Pagamot mo dahil nababaliw na naman." Sabi ni Kyle

Sabay sabay kaming napatawa dahil doon. Napag pasyahan na namin umahon dahil mag gagabi na. Baka mag kaubo kaming lahat at mag tahulan kami sa kasal ni ate Asia! Di pwede yon! Si Kyle lang naman mukhang aso dito eh!

Napaisip isip ko din. Hindi pala talaga pwede yung ginagawa ko kaya dapat separated ang friendship at yung feelings. Pag balik talaga namin ay sisiguraduhin kong magiging kami na ni Kyster.

Nanood nalang kami ng movie since mamaya pa naman ang dinner. Pinanood namin yung 13 Reason Why. Ang haba noon. Episode 4 palang kami mg dumating yung dinner namin kaya kumain kami habang nanonood.

"Tara tapusin natin ito ngayong gabi lang. Madali lang naman eh." Sabi ko

Tumango silang lahat. Nakakatawa nga eh. Kapag may isang aalis para mag cr ay doon lang namin gagawin yung mga gagawin namin. Tapos kapag bumalik yung nag cr icocontinue ulit yung panonood.

1:00 na at tulog na yung dalawa. Kami nalang yung gising.

"Tignan mo yang dalawa. Napakahina talaga." Sabi ni Kyle at natawa

"Bukas nalang yung tatlong episode na natitira. Gisingin na natin itong dalawa para makahiga sila ng ayos sa kwarto." Sabi ko

Inumpisahan ko nang ugaugain si Crystal kaso ayaw magising. Saglit lang na pag uga ni Kyle ang ginawa kay Jiero at nagising agad ito.

"Ako na bubuhat dyan." Sabi ni Jiero

Tumango naman ako.

Tumayo na naman ako para uminom ng tubig. Pag sara ko ng pinto ng ref ay laking gulat ko ng tumambad si Kyle.

"Ano ba naman yan! Nakakagulat ka ah!" Sabi ko

Natawa naman ito.

"Iinom din kasi ako ng tubig eh. Malay ko bang may tao pala doon sa likod ng pinto ng ref. Liit mo kasi!" Sabi niya

Siningkitan ko lang ito ng mata. Laking gulat ko ng kunin niya yung baso sa kamay ko.

"Ito nalang gagamitin ko. Baka basagin mo pa. Lagot si Ate Asia." Sabi niya habang nakangisi

Badtrip talaga! Ayan dapat ganyan nga! Kakainisan ko nalang siya!

Lumakad na ako papunta sa kwarto at natulog.

Kinabukasan...

Laking pasasalamat ko dahil wala sila Kyle at Jiero pag gising ko. Umalis daw sila at nanguha ng kahoy sa medyo mapuno na parte ng lugar na ito. Gusto daw nila mag bonfire mamaya.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon