Chapter 80-Who Give Up?-

31 1 0
                                    

Azaie POV

Kinabukasan ay halos takbuhin ko ang pababa ng hagdan. Mabilis akong nag punta sa dinning area para mag breakfast. Mukha na naman akong engot sa ginagawa ko but who cares?

"Ano ba yan 'nak? May humahabol ba sayo?" Tanong ni Mama Antoinette

Hindi ko na nagawang sagutin si Mama Antoinette. Agad ko namang naigala ang mata ko. Kumpleto ang pamilya maliban sa isa.

"Wala ang hinahanap mo, 'nak. Hindi siya umuwi at hindi namin alam kung saan siya natulog." Saad ni Mommy Redenta

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko dahil sa frustration.

Huwag niyang sabihing siya naman ang nag tatampo?! Ano 'to patintero?! Pagkatapos kong mag tampo siya naman?!

"Aalis na po ako. Sa company nalang ako mag aalmusal." Saad ko

Ngumiti naman sila sa akin. Parang nang aasar pa nga.

Okay lang po. Sige lang.

"It's your last day being the CEO. Enjoy!" Bilin pa ni Big Boss

Inis naman akong nag martsa papunta sa parking lot ng mansyon at nag sumakay sa kotse ko papunta sa company. Bitbit ko papasok ang blueprint at inihahanda iyon sakaling makita ko dito si--

Conrad Lee.

Napangisi ako ng makita ko ang Conrad na iyon habang nakatayo sa lobby. Dali dali akong pumunta dito at kitang kita ko pa ang malawak na ngiti niya sakin.

Nang makarating ako sa kanya ay…

*PAK*

Inihampas ko ang blueprint at nasa blueprint tube pa iyon kaya sigurado akong masakit iyon. Tumama iyon sa mukha niya!

"Shit Azaie!" Napasigaw si Conrad sa sakit ng pagkakahampas ko sa kanya

Napalingon pa ang mga empleyado kaya mas gusto kong gawing exciting ang eksena.

"Ayan na yung pinagawa mong design, Mr. Conrad Lee. You can leave my company now." Saad ko

Kunot noo naman ako nitong tinignan. Marahil ay 'di niya pa alam ang dahilan ko para gawin iyon.

"Anong problema? May nagawa ba akong mali?" Tanong niya

Hahawakan niya pa dapat ang kamay ko pero diniretso ko iyon sa mukha niya. Sinampal ko siya.

"Para 'yan sa hindi mo pag sasabing hindi pala anak ni Kyle si Treeza. Pinag mukha mo akong tanga nung gabing yon, Conrad." Saad ko

Bahagyang nanlaki ang mata nito dahil sa sinabi ko. Dahil doon ay napangisi ako sa kanya.

"Hindi mo ba iniexpect na malalaman ko? So hanggang kailan mo ako balak pag mukhaing tanga? Hanggang si Kyle naman ang mag sawa sa akin?" Inis kong sabi

Mas lalong nangunot ang noo niya sa mga sinabi ko.

"Nagagalit ka sa 'kin dahil sa taong iniwan ka ng dalawang taon? I've never expected this." Saad niya

Halos matawa ako sa sinabi niya.

"Alangan namang magalit ako dahil sa kanya? Yung kaniya may rason. Sayo? May rason ka nga ba para 'wag sabihin iyon? Why? Because you like me? 'Wag ka nang mag papakita sa akin kung ganon." Inis kong sabi

I am about to leave but he grabbed my hand. Inis ko itong nilingon at sinamaan siya ng tingin.

"Okay, I'm sorry. I just thought that you don't need him anymore in your life." Senserong sabi ni Conrad

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon