Chapter 23-Who Cares?-

17 3 0
                                    

Azaie POV

Hinatid na ako ni Kyle sa bahay. Pero bago yun nag punta kami kanina sa hardware para bumili ng bagong gripo. Pinapasok ko muna siya dahil papapalitan ko sa kanya yung gripo ng lababo.

Ewan ko ba kung bakit ko pa siya pinag palit eh anak mayaman nga pala ito.

"Sigurado kang kaya mo yan ah?" Sabi ko pa

Tumango naman ito. Pinatay ko muna ang switch sa kontador at inumpisahan na niyang gumawa. Dahil mukhang matatagalan siya, ayon nag timpla muna ako ng juice.

"Game na! Bukas mo na yung switch!" Sigaw niya

Binuksan ko na yung main switch tapos tumakbo ako papunta sa kanya.

*SPLASH*

Di ko alam kung matatawa ba ako o ano. Natanggal kasi yung gripo tapos ayon basang basa yung tshirt niya.

"HAHAHAHA! Mukha kang basang sisiw Kyle!" Natatawang sabi ko

Sinamaan ako ng tingin nito.

"Just turn off the damn switch!" Sigaw niya

Agad naman akong tumakbo papalabas para patayin yung switch. Bumalik din naman agad ako para tignan siya.

"Ay di ko pala nalagyan ng pandikit." Sabi niya

Tawang tawa ako sa itsura niya! Alam niyo yung mukhang may narealize talaga? HAHAHA ganoong ganoon!

Pag tapos na niyang ikabit ay pinatuyo niya na din yung pandikit.

"Dyan ka lang. Kukuha lang ako ng tshirt sa kwarto nila mama at papa. Baka matuyuan ka ng pawis." Sabi ko

Umakyat na ako sa kwarto nila mama at humanap ng tshirt. Mabuti at may natira pang tshirt dito si Papa. Pag tapos ko mag hanap ay binigay ko agad sa kanya.

"Thanks." Sabi nito at nag punta na sa banyo

Kumuha na ako ng isang basong juice para pag labas niya ay may inumin siya.

Minutes after..

Di ko alam kung namamalik mata ba ako o ano. Kasi si Kyle parang ang bagal ng lakad. Bakit nag sslow mo?!

Nag pupunas ito ng buhok niyang basa habang naka lagay sa balikat niya yung towel.

Nagulat ako ng mabitawan ko yung babasaging baso na hawak ko. Sa taranta ko ay nag pulot agad ako ng mga bubog. Kaya naman bilang resulta ay nasugatan ako, tulo ng tulo ang dugo sa daliri ko.

"Ano bang ginagawa mo?!" Inis na sabi ni Kyle

Agad niya akong hinila sa sala at kinuha ang first aid. Ginamot niya ang sugat ko ng marahan.

"Napaka stupid mo talaga!" Inis ulit na sabi nito

Nakatitig lang ako dito. Sobrang dahan dahan niyang ginagamot ang daliri ko.

"E-eh kasi--"

Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi sinamaan ako ng tingin nito.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon