Chapter 42-Fixed-

18 2 2
                                    

Azaie POV

Sabay sabay kaming nag punta sa school para mag enroll for second sem. Ngayon na din kami mag papaclearance.

"Jusko ito ang ayaw ko sa lahat. Mag papapirma tayo sa mga teachers tapos itatambak lang nila." Sabi ni Jiero

"We can fix that." Sabi ni Kyle

Mabuti nag sasalita na siya. Siguro nastress lang siya doon sa presenation.

"I heard nag bitaw na daw sa pwesto si Kyster as SGT at Arms. Do you know something, Azaie?" Tanong ni Crystal

Agad akong umiling.

"Ewan ko. Wala naman siyang sinabi." Sabi ko nalang

After naming mag papirma sa mga teacher ay agad kaming nag punta sa admins office. Gumawa si Kyle ng paraan para mauna kami.

"Kyle, baka pagalitan ka ni lolo sa ginawa mo?" Sabi ni Jiero

Umiling si Kyle.

"Hindi. Kakausapin ko din siya kaya kaylangan mauna ako." Sabi ni Kyle

About saan kaya yun? Baka mag palipat siya ng section kasi ako ang problema niya. Hindi pwede. Kaibigan ko padin siya.

"Nak ng tofu naman, Zaie!" Sabi ni Crystal sa mukha ko

"Ayan. You are not paying attention. Sabi ni Kyle kung pwede mo daw siyang samahan bumili ng gamit! Kasi kami ni Crystal may gamit na brought by our parents." Sabi Jiero

"Oo! Gusto ko!" Sabi ko

Tumango naman si Kyle.

"Mauuna na kami ni Crystal since enrolled na naman tayo." Sabi ni Jiero at nag wave

Kinaladkad na niya si Crystal paalis.

"Samahan mo muna ako sa office ni Chairman." Sabi ni Kyle

Napahinga ako ng maluwag. Siguro naman di na siya galit sa akin. Inaayos ko naman ang buhay ko eh.

"Tatanggapin mo ang ipapatong kong trabaho sayo ha?" Sabi ni Kyle

Ay jusko! Kung ito lang ang paraan!

"Sige!" Nakangiting sabi ko

Ginulo niya naman ang buhok ko tapos ngumiti siya.

Pag pasok namin sa office ni Chairman ay umupo agad kami ni Kyle sa sofa.

"Hey there my grandson! What's up?" Bati ni Chairman Andy kay Kyle

Tapos lumipat ang tingin niya sa akin.

"Don't tell me nag away na naman kayo?" Tanong ni Chairman Andy

Natawa naman kami ni Kyle.

"No, lolo. I'm here dahil gusto kong sabihin na kung pwede si Azaie nalang ang pumalit sa binitawang pwesto ni Kyster." Sabi ni Kyle

Halos lumaglag ang panga ko sa narinig ko!

"Hmm, okay lang naman. Para may magawang matino yang si Klarkzion." Sabi ni Chairman Andy

Wala na! SSC officer na din ako!

"That's all. Please excuse us." Sabi ni Kyle at hinigit na ako paalis

Pag labas namin ng school ay sumakay na kami ng taxi.

"Jusko ka naman. Di ko alam na yun pala ang kapalit ng galit mo sa akin!" Angal ko

"Well, pumayag ka naman so I guess we are okay now." Sabi ko

Nang makarating kami sa mall ay agad kaming dumiretso sa bookstore. Bibili na din ako ng gamit ko. Nag hiwalay kami saglit ni Kyle kasi may bakita siya doon.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon