Chapter 44-Bad mood-

16 4 0
                                    

Azaie POV

"Tara balik na tayo sa room." Saad ko

Nilingon ko si Kyster para mag paalam tapos tumango siya at ngumiti.

"Sige, puntahan ko lang din sila Drei." Sabi ni Kyster at nag wave

Nauna na akong nag lakad sa kanila.

Ewan ko ang gulo ng isip ko!

"Hoy 'te! Anong meron? Sweet sweet ni Kyster tapos bigla kang aalis." Sabi ni Crystal

Napahinto ako sa sinabi niya. Oo nga. Naiinis ako! Ano bang nangyayari sakin?!

"Talaga dadalhin mo ako doon sa tree house?! Whaaaa! Sige!" Rinig kong sabi ni Maedaline mula sa likod

Nag lakad nalang ulit ako tapos pumasok sa room. Umupo na ako sa upuan ko.

"Good news! Wala nang next teacher!" Sigaw ni Carl

Nag hiyawan naman sila. Well, wala ako sa mood.

"May problema ba, Azaie?" Tanong ni Crystal

Mabilis akong umiling.

"Inaantok ako." Sabi ko nalang

Umubub nalang ako sa desk at ipinikit ang mata ko.

"Ipasa niyo daw lahat ng notebook niyo noon sa English kay Azaie! Dapat complete notes yun ah!" Sigaw ulit ni Pres

Kainis naman!

Di ko nalang sila pinansin.

"Alam mo ba kapag mag asawa na tayo mag tatravel tayo. Lilibutin natin ang buong mundo!" Masayang sabi ni Maedaline

Asawa my foot!

"Sige. Basta ikaw mamamasahe." Sabi ni Kyle at tumawa

The heck?! Kaylan pa siya natutong tumawa habang kausap ang babae?!

Di ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising ako kasi may mga notebook na bumagsak sa ulo ko. Nakapatong pala ang mga ito sa desk ko at napuno na kaya nalaglag!

"Kakainis naman!" Angal ko

"Si Kyle nag patong ng pinakahuling notebook!" Natatawang sabi ni Crystal

Agad kong tinignan si Kyle na busy padin sa pakikipag kwentuhan kay Maedaline!

"Mamatay na sana nag patong ng huling notebook!" Inis na sabi ko

Napalingon naman si Kyle sa akin at sinamaan ako ng tingin. Inirapan ko lang siya at isa isang sinalansan yung mga notebook. To my surprise tinulungan ako ni Kyle at binuhat yung mga notebook.

"Tara na!" Sabi ni Kyle

Tss! Ayaw maistorbo sa pakikipag daldalan niya!

Habang nag lalakad kami ay di ko mapigilang macurious!

"Bakit parang sobrang close kayo ni Maedaline?" Tanong ko

Unti unting gumuhit ang ngiti sa labi niya. W-why the heck he's like that?

"Childhood bestfriend ko kasi siya sa US. Dahil lumipat ako ng grade 6 nag kahiwalay kami. Ngayon, bumabawi ako sa kanya." Sabi ni Kyle

Bestfriend.. tinawag niyang bestfriend si Maedaline samantalang ako hindi niya matawag na kaibigan?!

"Bakit mo pala natanong?" Tanong ni Kyle

Umiling nalang ako at nag patuloy sa paglalakad.

Kaagad naming pinasa ang mga notebook sa faculty room.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon