Chapter 60-The Offer-

15 3 0
                                    

Third Person's POV

19 YEARS AGO...

"Papá, aalis na ako sa bahay natin." Saad ni Klark

Agad na kumunot ang noo ni Big Boss.

"Bakit?" Pormal na tanong ni Big Boss

"Papá gusto ko na mag karoon ng sarili kong buhay. Gusto ko nang tumayo sa sarili kong paa." Saad ni Klark

Napangisi naman si Big Boss.

"You'll never make it out there. Just stay at my house." Saad ni Big Boss

Palagi nalang ganito. Bakit hindi niya ba maintindihan na kailangan kong mag sikap sa sarili ko?! Naisip nalang ni Klark habang nakatayo sa harap ng kanyang Papá.

"Hindi ka ba makikinig kay Papá, Kuya? Matapos lahat ng ginawa niya para sayo ay iiwan mo nalang kami basta basta?" Pang susumbat ni Ken kay Klark

Agad na kumunot ang noo ni Klark.

"Sinasabi ko lang na gusto kong tumayo sa sarili kong paa! Ayoko nang umasa sa yaman niyo dahil alam naman nating lahat na ampon lang ako!" Pag papaliwanag ni Klark

Tumawa naman si Ken sa kanya.

"Sundin mo nalang ang sinasabi ni Papá. Alam mo ang mga kaya niyang gawin kapag hindi ka sumunod." Saad ni Ken at tinapik si Klark

Inis na umalis si Klark sa opisina ng Papá niya.

Palaging ipinapamukha ni Ken kay Klark na hindi ito parte ng pamilya nila. Parepareho silang tapos sa kursong medisina pero ni-isa sa kanila ay walang nakaalam ng sakit ng kanilang Mamá. Isang beses noon ay nagalit ang kanilang Mamá dahil sa pag dedesisyon ni Klark na huminto sa pag aaral sa kolehiyo dahil lang sa iisa niyang bagsak. Inatake sa puso ang kanilang Mamá sa sobrang galit dahil gusto niyang makatapos silang dalawa ng medisina. Dahil doon, binawian ng buhay ang kanilang Mamá. Simula noon ay nag karoon ng galit si Ken kay Klark.

"Kuya." Tawag ng bunsong si Charlotte

Agad siyang nilingon ni Klark.

"Charlotte, kapag dumating ang araw na umalis na ako sa bahay na ito dapat matuto kang mag desisyon sa sarili mo. Huwag na huwag mong pipigilan ang gusto mo dahil lang sa gusto ni Papá." Saad ni Klark

Bahagya namang napangiti si Charlotte sa kanyang Kuya.

"Alam naman nating lahat kung anong gusto ng Papá, nasusunod. Gagawa at gagawa siya ng paraan para sumunod ka." Saad ni Charlotte

Naawa namang tumingin si Klark kay Charlotte.

"Kuya, sigurado ka bang yun lang ang dahilan mo para umalis ng bahay natin?" Tanong ni Charlotte sa kuya niya

Napaiwas ng tingin si Klark kay Charlotte.

"I secretly get married to someone and she's pregnant." Saad ni Klark

Agad nananlaki ang mata ni Charlotte.

"And what's wrong with that? Graduate ka na and may license ka na. Kapag lalaki ang anak mo magiging tagapagmana siya ni Papá dahil ikaw ang pinakamatanda sa anak niya." Saad ni Charlotte

Agad namang umiling si Klark.

"You don't get me, Charlotte. Gusto silang buhayin mag isa. Gusto ko bawat kakainin nila ay galing sa akin." Saad ni Klark

Napatango tango naman si Charlotte.

"Go. You got my support, Kuya." Saad ni Charlotte

Mabilis na bumuo ng plano si Klark para makaalis sa mansion. Sa tulong ni Charlotte ay agad siyang nakaalis ng hindi man lang nahahalata ng mga tauhan sa mansion.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon