Chapter 37-Build Up-

21 3 0
                                    

Azaie POV

Halos parang buhusan ako ng malamig sa narinig kong boses.

"Wait Kyster. Mali ka ng iniisip." Agad kong sabi

Hindi padin ako makaalis sa yakap ni Kyle!

Naramdaman kong lumapit si Ksyter at pilit na inaalis ang akap ni Kyle sa akin kaso di niya din matanggal.

Gulat na gulat ako ng bumangon si Kyle at hinarap si Kyster!

"Hoy ikaw!" Tinuro ni Kyle si Kyster "Umalis ka dito! *hik* Di ka naman kasali eh!" Sabi ni Kyle

Agad naman akong napabangon at lumapit kay Kyle.

"Kyle tama na. Pupunta na kami sa baba. Matulog ka nalang dito." Sabi ko

Umiling ito.

Arg! May tama pa naman siya!

Gulat na gulat ako ng pilit niyang tinutulak si Kyster palabas. Nakaabot na kami sa tapat ng pinto sa baba.

"Hoy Kyle hindi siya sayo!" Sigaw ni Kyster

Natawa naman si Kyle.

"HAHAHA hindi din *hik* siya sayo!" Natatawang sabi ni Kyle

Arg! Ano bang nangyayari sa kanya?!

"Hey, tama na yan Kyle. Halika na sa taas." Aya ko kay Kyle

Hindi naman ako pinansin nito.

"Umalis ka na. Sinungaling ka." Seryosong sabi ni Kyle kay Kyster

Muling kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kyle. Sinungaling?

"Wala kang alam Kyle kaya manahimik ka." Saad ni Kyster

Natawa naman ulit si Kyle.

"Siguraduhin mo *hik* yan. Kasi ikaw *hik* yata yung walang alam." Sabi ni Kyle

Tumingin sa akin si Kyster at iniabot ang isang box.

"I'm sorry. I'm leaving. Happy birthday Azaie." Mapait na sabi ni Kyster

Bahagya akong ngumiti dito.

"Pasensya na. Lasing siya at hindi niya alam ang ginagawa niya ngayon." Saad ko

Ngumiti naman sa akin si Kyster.

"Okay lang. Ilock mo yung gate niyo ha? I'll fetch you tomorrow. Sana matuloy na bukas." Nakangiting sabi ni Kyster

Ngumiti din ako dito.

"Sige. Take care." Nakangiti king sabi

Pagka-alis ni Kyster ay agad kong inalalayan si Kyle sa sofa.

"Kyle naman eh! Pumasok ka na nga doon sa kwarto mo!" Sabi ko

Umiling lang ito tapos humawak sa ulo niya.

"Ayoko *hik* baka bumalik si Kyster!" Sabi ni Kyle

Napacross arm ako.

Pati ako nadadamay sa away nilang dalawa ah!

"Kapag di ka pumunta sa kwarto mo ako na mismo ang magpapasok kay Kyster!" Inis na sabi ko

Tumayo naman ito tapos pagewang gewang na nag lakad papunta sa taas!

Natawa ako ng konti kaya napalingon siya.

"Azaie *hik* gisingin mo ako mamaya hehe." Nakangiting sabi niya

Tumango naman ako tapos sumenyas na umakyat na siya.

Napahiga ako sa sofa sa sobrang pagod! Para akong nag aalaga ng batang nag tatantrums!

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon