Chapter 50-Double Problem-

19 2 0
                                    

Azaie POV

Nagising ako dahil sa yugyog ni Kyle!

"Ano ba naman 'yan?!" Inis na sabi ko

Kumunot ang noo nito sa akin.

"Ayaw mo pumasok sa school? Kasi ako excited na." Sabi ni Kyle at ngumiti

Inis nalang akong tumayo at kumuha ng damit ko.

"Kasi naman, pwede namang dahan dahan ang yugyog! Bakit kasi parang gusto mo pati allignment ng organs ko magulo sa pag yugyog mo!" Sabi ko at lumabas ng kwarto

"You forgot something." Sabi ni Kyle kaya muli akong napalingon

Aba ang loko hinagis ang isang pad ng napkin!

"Nakakainis ka talaga!" Inis na sabi ko

"You're welcome." Nakangiting sabi niya

Matapos kong maligo ay bumaba na rin ako. As usual, nag luluto si Kyle at nag aaway naman si Crystal at Jiero.

"Excited na ako pumasok." Sabi ni Crystal

At mukhang ganoon din si Jiero.

What's with them?

"Ayos lang kayo? Sinong maeexcite eh major natin ngayon? Agang aga gusto niyo mag Basic Calculus?" Kunot noong sabi ko

Natawa lang sila.

"Magiging masaya ka na din kapag natapos ang araw na ito." Sabi ni Kyle

Nag kibit balikat nalang ako. Matapos naming kumain ay agad na dumating si Manong.

"Good morning young master, Kyle. Mamayang gabi gusto daw po kayo makausap ng Big Boss." Bungad ni Manong kay Kyle

'Di nalang ako kumibo dahil sa kanilang problema 'yun. Dagdag pa dito, masakit talaga ang puson ko. 'Wag silang haharang sa daan ko dahil badtrip talaga ako.

Ilang sandali lang ay nasa school na kami. Pagkababa namin ay agad kaming pinag tinginan ng mga estudyante.

"Anong meron?" Tanong ko

Nag kibit balikat lang 'yung tatlo. Nagulat naman ako kasi may biglang lumapit kay Jiero at inakap ito.

Hala ka girl. Lagot ka sa dragona ng taon.

"Finally, narealize mo din that Crystal is no good for you." Sabi ng babae

Ay pak. Iba talaga ang ahas!

Susugudin ko sana yung babae kaso pinigilan ako ni Crystal.

"Let's go. I don't need a parasite." Sabi ni Crystal at hinila ako

What?!

"Hoy Crystal ha! Ilang buwan na kayong nag liligawan ni Jiero tapos ipamimigay mo lang?!" Inis na sabi ko

"Alam mo kasi Azaie, hindi lahat ng bagay para sayo." Singit ni Kyle

Well may point siya! Pero duh! Baliw na baliw kaya si Jiero kay Crystal! It's too impossible!

"Hayaan mo na siya. Bahala siya sa buhay niya." Sabi ni Crystal

Napabuntong hininga nalang ako.

There this Basic Calculus goes. A three hours of being sleepy because I don't understand any of them.

"Wait for you next teacher." Sabi ni Sir

Gusto ko sanang sumigaw ng 'Sige sir! 'Wag ka nang bumalik!'

"Tara recess na." Aya ni Kyle

Agad akong tumayo. Hinigit ko na agad si Crystal dahil kanina niya pa rin pinanggigigilan yung equation.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon