Chapter 5-Eyes On Me-

44 3 0
                                    

Chapter 5 -Eyes On Me-

Azaie POV

Dahil uwian na syempre alangan namang tumambay pa ako dito? Umuwi na din naman si Kyster eh. Ayt.

Binitbit ko na agad ang bag ko at dumiretso sa parking lot. Nang iuunlock ko na yung padlock ay may napansin ako.

Yung gulong.. YUNG GULONG!

"Malas!"-Sigaw ko

May narinig naman akong kaluskos kaya napalingon ako.

"Ano? Ako na naman? Malas ako?!"-Sabi ni Azy na iritable

Di ko ito inasikaso at tinignan nalang ang flat na gulong ko.

"Who did that?"-Tanong ni Azy habang inuunlock ang bike niya

(Naririnig ko yung kadena. Wala akong mata sa likod.)

Inis akong lumingon sa kanya.

"Si Majinbuu! Halata naman eh. Pinag iinitan niya ako kanina!"-Inis na sabi ko

Nilock ko nalang ulit yung bike ko. Alangan namang bitbitin ko yan pauwi. Tsk!

Nag umpisa na akong mag lakad nang huminto ang bike ni Azy sa harap ko.

"Sumakay ka na dito sa likod."-Walang emosyon na sabi ni Azy

Kumunot naman noo ko sa sinabi niya.

Anong meron dito? May ginawa din yata itong kalokohan sakin eh.

"Sabihin mo na Suazon. Anong ginawa mong kalokohan at kumokota ka na kakatulong sakin?"-Sabi ko

Bumuga naman siya ng hangin dahilan para lumipad ang onting bangs niya. O-okay?

"Alam mo? Ang liit mo na, ang daldal mo pa. Ano ka minion?! Sumakay ka na nga!"-Medyo inis na sabi niya

Kaysa mag karoon pa ng gera dito sa parking lot ay pinili kong sumakay nalang. Umandar naman kami kaagad.

Nakakailang!

"Kahit tulungan mo ako ngayon wala akong ibabalik na utang na loob sayo."-Sabi ko

Narinig kong tumawa siya.

"Bakit sinabi ko bang ibalik mo? Mahal mag balik sakin ng utang na loob Azaie. Kaya mo bang bumili ng RolexCosmograph Daytona 2018?"-Sabi ni Azy

Napalunok naman ako. Buong buhay na pag sisilbi na yata sa mansion nila ang gugugulin ko para mabayaran yon!

$ 27,580 lang naman yon people! LANG NAMAN dahil mayaman siya!

"Bahala ka sa buhay mo dyan!"-Sabi ko nalang

Narinig ko pa siyang tumawa. Ng makarating kami sa tapat ng subdivision ko ay akala ko ihihinto niya.

"Okay na dito."-Maikiling sabi ko

"I insist. Pasalamat ka nalang dahil isang Suazon ang mag hahatid sayo sa bahay niyo."-Sabi ni Azy

Overflowing confident na naman itong lalaking ito!

"Aba bakit alam mo ba bahay ko?"-Tanong ko

Narinig kong tumawa siya.

"Oo. Ako pa ba."-Sabi ni Azy ng may yabang

Wow.

"Stalker!"-Medyo malakas na sabi ko

"Hindi ako stalker. Matagal ko nang alam ang bahay niyo. Dahil kay K.L"-Sabi nito pahina ng pahina hanggang dulo

K.L

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tsk.

"Sige dalian mo nalang. Gusto ko na mag pahinga."-Sabi ko ng walang gana

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon