Chapter 28-Great Sin-

19 2 0
                                    

Azaie POV

Kung nakakamatay lang ang masamang tingin siguro kanina pa patay itong si Kristoff.

"Yah! Tama na nga yan. Para ka talagang eng-eng dyan." Sita ko kay Crystal

Kakatapos lang kasi ng practice at napag pasyahan ni ate Asia na mag dinner kami sa dinning hall. Nag kataon namang malapit lang ang table nila Kristoff.

"Sana nakakamatay ang titig para kanina pa siya patay." Sabi ni Crystal

Natawa naman yung dalawang lalaki. Sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Shunga! Edi lahat ng tao mamamatay tao?!" Sabi ko

Mas lumakas ang tawa ng dalawang lalaki kay muli ko silang tinignan.

"Kayong dalawa, tama na yan. Tapusin niyo nalang ang pagkain niyo dahil mag bobonfire pa tayo remember?" Sabi ni Kyle

Binilisan ko na ang pag kain ko kasi ako lang naman mabagal kumain dito. Nag paalam na si Kyle kay ate Asia at pumayag naman siya na umalis na kami. Pag dating namin sa labas ng villa ay nag set up na yung dalawang lalaki ng bonfire. Kami naman ni Crystal ay kumuha ng mga snacks. Pag labas namin ay naka ready na ang lahat. Nag uumpisa ba ding mag apoy yung mga kahoy.

Umupo na kami sa bangko.

"So anong gagawin natin dito?" Tanong ko

"Kawawa ka naman, di mo pa yata nararanasan mag bonfire." Sabi ni Kyle at natawa

Sinamaan ko nalang ito ng tingin.

"Wala lang. Like sharing? Kwentuhan or like pag planuhan natin yung gagawin natin the rest of sembreak." Sabi ni Crystal

Oh finally! Natapos na din ang pag dadrama niya. She finally came back to her senses.

"I'll start. Dalawang taon lang tayo sa senior high diba? How about we enter the same college?" Sabi ni Kyle

Napangiti naman ako doon.

"Oo nga! Pero dapat nandoon ang course nating lahat." Sabi ko

"Sana may college ang Bridgestone!" Sabi pa ni Crystal

"Imposible na yon. High school lang ang Bridgestone eh." Sabi ni Jiero

Sayang naman!

"Marine Engineer ako, Architect si Crystal, Computer Engineer si Jiero at Doctor ka naman Kyle. HAHAHA ang hirap humanap ng university na nandoon lahat ang course natin." Sabi ko

"Yes, indeed. Pero sana kahit mag kakalapit lang yung university natin ay okay na din ako." Sabi ni Kyle

Nag melt kami ng marshmallow doon sa apoy.

"Hays sana lang talaga wag na tayong mag kawatak watak. Magagalit sa atin si Lancelot." Sabi ni Crystal

Napatango ako. Siya kasi ang naging dahilan kung bakit buo kami ngayon.

"Mangyayari lang yon if no one invade our friendship." Sabi ni Kyle

Tama ang iniisip kong pag tigil ng nararamdaman ko kasi from the first place makakawatak talaga iyon ng friendship.

Nagulat kami ng biglang dumating si Kristoff.

"Hep! Dyan ka lang!" Sabi ko sa kanya tapos tumayo ako "Nakikita mo ba yang apoy na yan? Dadapo yan sayo." Pag babanta ko

Aba! Ang hirap hirap pabalikin ni Crystal sa wisyo eh.

"Aba! Kanina ka pa nang gugulo ah!" Sabi ni Jiero

This time inawat siya ni Crystal.

"Ako na bahala dito. Dyan muna kayo." Sabi ni Crystal at nag lakad na

Sinundan na siya ni Kristoff.

"Kakainis naman yun!" Sabi ni Jiero

Natawa naman kaming dalawa ni Kyle.

"Wag mo susundan yon! Nako! Ayaw ni Crystal ng ganon. That's her business." Sabi ni Kyle

Tama nga siya. Crystal's business is Crystal's business. No one can meddle maski parents niya.

Napilitan tuloy kaming mag intay. Nakatulog na ako sa bangko dahil sobrang lamig ng hangin.

Kyle Azy POV

"Tulog na yan." Sabi ni Jiero

Medyo lumapit sa akin si Jiero at pinakita ang tablet niya.

"See him? That's Blan. Siya ang pinakamayaman sa apat. I can really tell na siya din ang pinakawalang kwenta sa apat. Wala tayong mapapakinabangan na malaki sa kanya pero alam kong may alam siya. Kaylangan lang natin ng magagamit para mapaamin siya." Inislide niya ang susunod na picture, babae ito "This is Queeny, kapatid siya ni Maki. Luckily she's my ex." Sabi ni Jiero

Hmm? So anong pwedeng gawin para pumihit itong si Blan?

"What plan do you have?" Tanong ko

Medyo ngumiwi ang panga niya kaya alam kong mahirap ang gagawin niya.

"I need to confirm my plan to Crystal first. Queeny is deeply head over heals in love with me. Last year lang kami nag break. Well, all I can say is gwapo talaga ako." Sabi ni Jiero

Hinampas ko naman ito ng unan.

"Tama ka. Dapat ngang malaman muna ni Crystal yang plano mo. Baka mamaya pumutok nguso nung babae!" Natatawang sabi ko

"No. Bawal galawin si Queeny. She's richer that Crystal. Ayokong mapahamak si Crystal." Sabi ni Jiero

Oh look at him. Ang galing dahil nag mamature na ang pinsan kong baliw.

"Basta tuloy lang ang plano." Sabi ko

Napaihip ang ng hangin dahil sa pagiisip ng iba pang pwedeng gawin.

"Anong plano?"

Nagulat ako ng gising na si Azaie.

"Birthday party ni Crystal?" Sagot ko

Ha! Top 1 here!

Tumaas naman ang kilay ni Azaie. Mukhang pimasok naman ang excuse ko.

"Speaking of, nasan na pala siya? Nakaidlip na ako oh." Sabi ni Azaie

Oo nga ano?

Pero hindi ako kinakabahan eh. My instinct says that she's okay.

At ayon na nga dumating na si Crystal. Umupo na ito at nag melt ng marshmallow.

"Hoy? Baka may gusto kang sabihin?" Sabi ni Azaie tapos kumain ng sandwich

Ang takaw talaga!

"Would you believe that someone can tell you a lie just to protect your feelings?" Biglang sabi ni Crystal

Napatahimik ako. Ganoon kasi ang ginagawa ko kay Azaie. I'm telling lies just to protect her feelings.

"Ang weird lang na kaylangan pang mag sinungaling para lang maprotektahan ang naramdaman mo. Hindi ba nila alam na mas masasaktan ang taong pinag taguan nila ng sikreto?" Sabi pa ni Crystal

"Yes. That makes sense Crystal. Pero siguro yun lang ang naisip ng taong yon na paraan. We lie because we are protecting something. Lying is bad and we all know that. But let's all admit the fact that sometimes, it is the way to find a solution." Sabi ni Jiero

Tama si Jiero. We, human tend to tell lies. Kasi may pinoprotektahan tayo. Kasi may iniingatan tayo.

If telling lies would be my sin and I might go to hell, I will gladly accept it. Gusto ko lang naman malagay sa ayos si Azaie. This is stupidity right? Selling your soul to the devil? What can I do? I'm truly, deeply, madly, honestly, completely inlove with my bestfriend.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon