PROLOGUE
Sinuot ko ang aking sapatos at tumakbo palabas ng Girls’ Dormitory. Hindi ito isa sa mga ordinaryong araw tuwing may pasok sa school. There will be a big announcement at handang handa na kaming lahat para rito.
I made my way to the Arena kung saan gaganapin ang announcement. Pagpasok ko sa loob, nakita ko agad ang mga kapwa ko trainees na nakaupo sa mga napili nilang pwesto. Pataas ang mga upuan at nasa gitna ang isang stage. May mga malalaking screen din.
“Uy, Keena!” napalingon ako sa tumawag sakin. Nakita ko ang babaeng gaya ko ay naka-uniform. Maroon skirt, black high socks, maroon colored vest, white long sleeved blouse, at isa pang maroon colored na ribbon.
She crossed her arms. Kasama niya ang dalawa sa mga kaibigan niyang naka-taas ang kilay sakin.
“What?” tanong ko.
“I heard you are the top of your class?” aniya at nginisian ako.
Ngumisi rin ako. “Yeah, why?”
“Good luck na lang kapag nakalaban mo ako, ha? I’m sure you’re not gonna win against me.” sabi niya at naglakad na palayo kasama ang mga kaibigan niya.
Napataas ang kilay ko at ngumuso. Girl, you’re not my rival in this school. Yvah is known because of her exceptional skill when it comes to smelling.
She can identify if the victim is poisoned. Therefore, she’s a big help. Iyon nga lang, mayabang siya. Feeling niya siya na ang pinakamagaling. Feeling niya mas mataas siya sakin which is funny. Hindi sa nagyayabang pero kumpara naman sa kanya, mas matalino ako.
Aanhin mo ang pang-amoy if you don’t have brain?
At isa pa, hindi siya ang kalaban ko rito. There is someone whom I consider as my rival. My enemy. Hindi ko maitatanggi na magaling siya at isa iyong threat para sakin.
Umupo ako sa bakanteng pwesto. Malayo sa ibang mga trainees na gaya ko.
Habang naghihintay sa pagdating ni Sir Martin, binuklat ko ang librong dala ko. It’s about Nancy Drew. I have many collections of books but I never want to read Romantic novels.
Nakakadiri. Yuck. Eww. So weird.
I mean, I’m not into romance. Mas gusto ko ang action at mystery. Especially, detective.
Ilang minuto pa ay merong nag-hello sa microphone. Sinara ko ang libro at tumingin sa stage. Nakatayo na roon si Sir Martin.
“Settle down, trainees.” aniya.
Nagsi-upo ang mga katulad kong trainees.
Nang manahimik ang lahat ay muli siyang nagsalita. “I know all of you are excited for this announcement. But before that, may we call on the Top Trainees of each section? Please, stand.”
Agad akong tumayo. Napatingin sila sakin. What? I am one of the Top Trainees! Sunod na tumayo si Yvah at humalukipkip habang nakatingin sakin. She smirked.
Tss. Top Student lang naman siya ng section niya dahil sikat siya.
Huling tumayo si Nollan Albuendia. My rival. Nakapamulsa siya at walang emosyon na nakatingin lang sa stage.
He is my greatest rival. Kahit sino sigurong makakalaban niya sa deduction ay matatalo. He’s smart and he is also a manipulative villain.
Why villain? Because he is the villain in my story. Just like what I’ve said, Nol is my greatest rival.
He got the skills! He has exceptional talents when it comes to deduction and solving crimes! Kung baga, sa puntong ito, siya ang nangunguna at ako ang pangalawa.
Pero mauungusan ko rin siya. Makikita niya.
“Clap your hands for this smart trainees of HHOD.” ani Sir Martin. Nagpalakpakan ang mga kasama namin. Pinaupo na kami at sinabing uumpisahan na niya ang anunsyo.
“Last year, the deduction showdown was individual. Now, we will make it by pair.”
Violent reactions filled the whole arena. Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong mag-individual. Ayokong may kasama, minsan hindi kami nagkakaunawaan.
Ang pabidang si Yvah, nagtaas ng kamay. “What for, Sir? Ako, kaya kong lumutas ng kaso na ako lang mag-isa. Hindi tulad ng ibang nagpapabuhat lang.” aniya.
Tinaasan ko siya ng kilay nang sulyapan niya ako. Excuse way! Baka siya ang pabuhat?
“Trainees, you need cooperation. You need partnerships. Kailangan niyo ito para sa future niyo bilang mga detectives.”
This is so absurd. For me, ha. Ayoko nito. I mean, okay. Sige, sure. Payag ako. Pero sana naman ‘wag si Yvah o si Nol ang maka-partner ko!
“The pairing will be boys and girls.” dagdag ni Sir Martin kaya mas lalong umingay ang arena.
My goodness! Boys and girls?! Bakit kinabahan ako bigla?!
“So our first pair will be...”
At sila ang mamimili ng magka-partner?! What?! I’m walking out!
“By the way, we picked the pairs randomly. Hindi namin ito pinili. Nagbunutan kami.” pambibitin ni Sir Martin.
Muling tumahimik sa arena. “The first pair will be Keena Velarde and Nol—”
“What?!” agad na hiyaw ko. Napatayo pa ako sa gulat.
This couldn’t be happening! Imposible! Imposible talaga! How come?! Bunutan? Bunutan talaga, Sir?! Bakit feeling ko scripted ‘to?!
“...Nollan Albuendia. Got a problem, Miss Velarde?”
Of course, there’s a problem! How come na siya ang partner ko?!
“What— I— But— Ugh!” napasimangot ako bago muling umupo.
“Mister Albuendia, please sit beside Miss Velarde.”
At ano?! Kailangan magkatabi pa?! I can’t believe this!
Huminga ako nang malalim. Umupo si Nol sa tabi ko. I’m not fantasizing him but hey, ang bango ng pabango niya. Hindi siya.
“You should be happy right now because I am your partner. There will be a big chance— No, I’m sure we will win this deduction showdown.” narinig kong sabi niya.
Ugh! I’m walking out! I’m really walking out!
BINABASA MO ANG
Detective Trainees (COMPLETED)
Misterio / SuspensoHolmes' House of Detectives is a training ground for aspiring detectives. Nollan and Keena are one of these Detectives in training who needs to unravel the truth behind the massacre in their city and unmask the person behind the killings. detective...