Chapter 17 : Almost

2.2K 106 18
                                    

Chapter 17 : Almost

I yawned. “Pagod na ko,” sabi ko at umupo sa isang troso. Inabutan ako ng bottled water ni Agnes.

“Hindi ka ba maliligo?” she asked and sat next to me.

Naghahanda na ng dinner ang mga teachers. May mga natira pa kasing isda na nahuli namin kanina.

“Mamaya na siguro,” sabi ko.

“Sige, maliligo muna ako.” aniya at tumayo na.

It’s already 6PM. Tumayo ako at naisipang maglibot libot muna.

I wonder what’s at the end of this forest. Bukirin kaya? City? Dagat? Bumuntong hininga ako at napatingin sa kalangitan.

Medyo nakalayo na ako sa campsite nang may marinig na boses. “H-Help...”

Nagsalubong ang mga kilay ko. I saw a small cave nearby.

“You won’t get away!” isa pang boses. Parehong babae ang mga boses. Nakita ko naman ang bahagyang paggalaw ng mga damo.

Hindi kaya may nangyayaring pagpatay? Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumakbo.

Napalingon ako sa paligid. I didn’t heard the voices again. Naglakad ako kahit alam kong delikado.

“Hello?” I saw some small amounts of blood on the ground. Tama ako, baka nga may nangyayaring pagpatay! I need to save that someone!

Kahit delikado, naglakas loob akong pumasok sa kweba. Madilim doon. I opened my phone’s flashlight. Nilibot ko ang ilaw sa buong kweba nang may mahagip na babaeng nakasandal at may dugo sa ulo. Nakatali rin siya.

Mabilis akong lumapit sa kanya. “Miss?! Miss?! Ayos ka lang ba?! Ano’ng nangyari?!” tanong ko.

“T-Tulungan...mo...ko,” she struggled to swallow.

“What happened?!”

“S-She’s...trying to...kill us..”

“Sino?”

She closed her eyes firmly bago ito nagsalita ulit. “L-Lumabas siya...h-hinabol niya ang...kasama ko...”

Tinapat ko ang cellphone ko sa isang lagusan palabas ng kweba. Hanggang sa mapansin kong may mga bakas ng paa sa buhangin. Palabas ito ng kweba. May nakalaglag na flashlight sa buhangin.

“Miss, hintayin mo ko rito. Babalik ako,” sabi ko at nagsimulang tumakbo at lumabas ng kweba. Ginamit ko ang daan papunta sa likod nito kung saan ko nakita ang mga yapak.

I looked around the place. Masyado ng liblib dito. Maraming halaman at puno.

Naglakad ako hanggang sa mapansing may dugo na naman sa lupa. Kumpara kanina, mas marami rito. Napansin ko rin sa kweba kanina na merong mga patak ng dugo.

Sinundan ko iyon hanggang sa matigilan ako nang makitang may babae. She looked at me with her expressionless face. Maya maya pa ay bigla na lang itong natumba at hinimatay.

Agad ko siyang nilapitan. “Miss?!”

Mas malala ang nangyari sa kanya. Meron siyang saksak sa braso at sugat sa ulo.

I held her wrist. Oh my God! She’s dead already!

“Pakialamera ka!” lilingon pa lang ako sa nagsalita nang maramdamang may tumamang matigas na bagay sa ulo ko.

My vision became blurry. Nahilo ako. I felt blood oozing from my head.

“Sweet dreams,” I heard the lady’s voice before passing out.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon