Chapter 13 : The New Comer

2.3K 104 5
                                    

Chapter 13 : The New Comer

The activity started at 9:30AM and ended around 2PM. Sinabi ni Prof. Nelia na may iso-solve raw kaming case ng poisoning. Na-excite nga ako eh.

Pagdating namin doon sa lugar— which is isang farm— pinagpahinga at meryenda muna kami.

Pagkatapos no’n ay sinabi samin nung may-ari ng farm na si Mang Hexar kung ano ang nangyari. Nalason daw ang kapatid niyang si Felia.

Sinabi niyang nalason ito dahil bigla raw nanghina si Felia. Namula rin daw ang dila niya. What’s worst is— she died. Hindi sila tumawag ng pulis dahil alam nilang darating daw kami.

Holmes’ Trainees are part of the police even though they are not official detectives.

Nagsagawa ng mga test sina Prof. Nelia. Kami naman ay inatasang maglibot sa farm at alamin kung ano ang ginamit na food poisoning habang hinihintay ang test.

Me and Nol concluded that it wasn’t a murder base na rin sa sinabi ni Mang Hexar samin. Kumakain daw si Felia ng tinapay no’n at uminom ng gatas. Pagkatapos no’n ay doon na nagparamdam ang symptoms na nalason nga siya.

Hindi rin ito kaso ng suicide dahil ayon din kay Mang Hexar, wala namang problema si Felia. Isa lang siyang nine-year-old na bata kaya paano naman siya magpapakamatay?

Naglakad lakad kami ni Nol sa buong farm. Hindi lang pala siya basta farm lang. May rancho rin. Merong pineapple plantation— may mga puno ng saging, at iba pa.

There are ponds, too. Nakakatuwa ngang makita ‘yung mga isda. May alaga rin silang baboy— which is ang baho talaga nung dinaanan namin.

May kambing, baka, kalabaw, kabayo, at manok.

Pero merong isang halaman ang nakakuha sa atensyon namin ni Nol. Nagkatinginan kami nang malamang White Snakeroot iyon o Ageratina altissima. It’s one of the deadly plants that I know.

“Bakit may ganito rito?” tanong ko.

“Baka hindi aware ang mga farmers dito kung ano ang halaman na iyan.” sagot ni Nol.

“As far as I can remember, Abraham Lincoln’s mother, Nancy Hanks was poisoned by the white snakeroot. Sa pagkakaalam ko ay nainom niya ang gatas ng baka na gumasgas sa white snakeroot—” natigilan ako.

Pati si Nol ay natigilan din. Nagkatinginan kami. Pareho kami ng iniisip. “Reddened tongue, weakness, death— iilan lang ‘yan sa symptoms ng white snakeroot.” aniya.

“That’s exactly what happened to Felia!” I exclaimed. Ngumuso ako. “...I think.” dugtong ko.

“Well, iyan lang din naman ang naiisip ko.” Nol said.

Bumalik kami at sinabi kay Prof. Nelia ang theory namin tungkol sa poisoning. Sinabi niyang hintayin daw namin ang result ng test kung mapapatunayang white snakeroot nga ang dahilan ng pagkalason ni Felia.

I feel bad for her. Ang bata niya pa. Marami pa siyang magagawa sa buhay. Ni hindi pa nga siya nakapag-highschool! Masaya sa JHS pero mahirap din.

Pero naisip ko rin na baka hanggang dito na lang talaga siya. Baka tapos na ‘yung purpose niya sa mundo.

Lunch, habang kumaikain, dumating ang test stating that poor Felia was poisoned because of a deadly plant namely white snakeroot. The cow’s milk that she drank was grazed on the plant and that’s the reason why she got poisoned and died.

Prof. Nelia acknowledge me and Nol because we solved the case correctly. May iilan daw kasi na sinabing murder ang nangyari kay Felia pero wala silang maipakitang ebidensya o maayos na deduction. Hindi rin daw nila maituro kung sino ang murderer pero pinagbintangan nila si Mang Hexar.

Isa sa mga nagsabing murder iyon ay si Yvah. Si Yvah lang kasi ‘yung partner niya ay iba raw ang sinasabi. Tss. Brain, brain. Sapian mo naman si Yvah.

So ayun, balik eskwela ulit kami. Last week iyon at balik training na ulit.

Nasa classroom ako habang nagdu-doodle ng kung ano ano sa likod ng notebook. Nol who’s sitting next to me, ayun nakaduko sa arm chair niya. Mukhang tulog. Lagi naman siyang ganyan.

Nung ma-bored ako kasi ang tagal mag-bell, nag-pen tapping na lang ako. Hindi ako marunong pero nabored kasi ako eh. Kung ano ano ng pinaggagawa ko.

Maya maya pa ay nag-bell na. Kasabay no’n ang pagpasok ni Sir Martin. Nagsalubong ang mga kilay ko. I nudged Nol. Umayos naman ito ng upo.

Tamad na tamad niyang tinignan si Sir Martin na nasa harap. Magulo pa nga ang buhok na para bang nakatulog talaga.

“Good morning, Zeus!” he greeted.

“Good morning, Sir!” our classmates greeted with equal energy.

“Anyway, I’ll be announcing that you’ll have a new classmate!” sabi niya ulit sa masayang tono.

Nagbulungan ang mga kaklase ko. My eyebrow arched up. Sino naman kaya iyong ipapasok niya rito sa Zeus?

“Babae po ba, Sir?” tanong ng isa.

Ngumiti si Sir Martin. “Lalaki.” sagot niya. Nagtilian ang mga babae. Napairap ako.

Ipinatong ko na lang ang baba ko sa aking palad at tinuloy ang pagdu-doodle. Nothing exciting. Tss.

“Gwapo po ba?”

“Oo naman!”

“Sino pong mas gwapo? Si Nol o ‘yung transferee?”

Anak ng tokwa. Bakit ganyan ‘yung tanong no’n?! Ewan pero sumama yata ang tingin ko. Si Nol naman ay walang imik at mas ginugulo pa ang buhok niya. Parang naiinis na ewan. Ewan. Basta ewan!

“Ah, eh— mas gwapo ‘to.” sagot ni Sir Martin at tinignan si Nol. Parang inaasar niya. Nako, Sir Martin. As if naman maaasar itong katabi ko. Eh mukhang ngang wala siyang pakialam sa nangyayari ngayon.

A round of giggling girls filled the room again.

“Sino siya, Sir?”

Ngumiti— correction, ngumisi si Sir Martin.

Sumenyas siya sa labas na parang pinapapasok ito. Ako na wala ring pakialam pero nakatingin pa rin, una kong napansin ang uniform niyang kamukha ng sa mga lalaki rito.

Nang tuluyan siyang makapasok, napuno ng bulungan at maliliit na tili ang classroom. My Zeus, girls.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kung sino ito. What the hell?! Ano’ng ginagawa niya rito?!

Napalingon ako kay Nol. He wasn’t surprised at all. Is he expecting him to come?!

“Please, introduce yourself.” sabi ni Sir Martin.

May band aid ang pisngi nito sa kanan bandang panga. Matangkad siya at makikita ang piercing sa kaliwang tainga nito.

Just like the day we’ve met him, he looked arrogant. Dumapo ang tingin nito sa’kin at biglang ngumisi. Iilan sa mga kaklase ko ang napalingon sa’kin. Nang mapatingin naman siya kay Nol, sumeryoso ang mukha nito pero nakangisi pa rin.

“I’m Winston Monteagudo. Alanca’s Detective.”

Nagtilian na naman ang mga kaklase ko.

“Looks like, the rival has come.” sabi ni Sir Martin at tumango tango. Nakangisi rin siya.

Ugh! Yeah! Another rival!

---

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon