Chapter 46 : Transaction

1.6K 73 3
                                    

Chapter 46 : Transaction

“Where have you been? Nag-date kayo? Bakit umabot pa kayo ng ilang araw?” bungad ni Sir Martin sa amin pagpapasok namin sa opisina niya. Itʼs eight-thirty in the morning and the classes are starting already but here we are.

“Date?” takang tanong ko. Salubong ang mga kilay at handa ng magbuga ng apoy.

“Henry and Winston told me that you two went on a date kaya bigla na lang kayong nawala noong field trip.”

“What—”

“Actually, we went to see some people that can possibly help us to find the person whoʼs behind the killings in our city plus, the missing bodies of businessmen.” ani Nol.

“Oh? Anoʼng nakuha niyong impormasyon?” Sir Martin asked.

“We canʼt tell you now.” mabilis na sagot ni Nol sa kanya.

Sir Martin frowned. “Why not? Iniimbestigahan na rin 'yan sa agency ng Holmes kaya bakit itatago niyo pa sa akin?”

After grad, ipapadala kaming mga trainees sa ibaʼt ibang agency within our city. Doon kami magsisimulang magtrabaho at ganap na mga detectives.

“Donʼt ask,” sabi lang ni Nol at tumayo na mula sa pagkakaupo. Walang paalam siyang lumabas.

“Tignan mo nga naman ang batang 'yon,” sabi ni Sir Martin habang turo ang pinto at umiiling iling. Tumayo na rin ako.

“Babalik na ko sa klase,” sabi ko at tinalikuran na siya.

“Ang mga kabataan talaga ngayon,” I heard him mumbled before closing the door.

Pagpasok ko sa classroom, natigil sa pagsasalita ang Professor namin na nasa harap. Napalingon din sa akin ang mga kaklase ko. Ang unang nakabawi lang siguro ay si Henry. “Keena!” tawag niya.

Pumunta na ako sa pwesto ko. Nakita ko namang nakadukdok ang ulo ni Nol sa armrest niya. Mukhang tulog. “Saan ba kayo nagpunta ni Nol?” Henry whispered as soon as I sat on my seat.

“Shut up, weʼre having a class.” imbes ay sagot ko. Sumimangot naman siya.

“Ouch, ngayon na nga lang ulit kita nakita sinusungitan mo pa ako.” pag-iinarte niya.

I rolled my eyes at him. Pagkatapos ng klase, lumabas ako ng room. Nakasunod si Henry sa akin pati si Winston. Si Nol yata ay naiwan sa loob. “Keena, ano na?”

“Pwede ba, 'wag ako ang kulitin mo. Bakit hindi mo tanungin si Nol kesa sa ako?” naiirita kong sabi sa kanya.

Maya maya pa ay lumabas si Nol sa room. Hawak ang phone niya, lumapit siya sa amin. “I received a message from Inspector Inugami.” panimula niya.

“Ano raw?” I asked.

“Thereʼs a transaction between two mafia organizations today in Vendyl Hotel. Itʼs going to be a masquerade party by the hotel owner. The party will start at 7PM.” sagot niya.

“Inspector got the invitation from his friend who happened to be also a friend of the hotelʼs owner.”

“And?”

“We need to go,” Nol said in a serious tone.

“Sure,” agad kong sagot. I know itʼs going to be a bit risky but I also know that we all want to know what kind of transaction will be held tonight.

“Itʼs risky so I told Inspector Inugami that you will not attend the party with us.” dagdag pa ni Nol.

“What?! Are you kidding?!”

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon