Chapter 38 : Behind the Painting

1.9K 88 8
                                    

Chapter 38 : Behind the Painting

October is fast approaching. Sa pagkawala ni Sir Michael sa Holmesʼ, wala pang pumapalit na Professor kahit may mga nag-apply na. Walang mapagkatiwalaan si Sir Martin.

Iʼm packing my things up and stared at the bed of Agnes. Hanggang ngayon, hindi pa siya mentally okay. Pero sabi naman ng psychiatrist, paunti unti na siyang gumagaling.

Nakakausap na rin siya nila Tita and I think, itʼs an improvement. Maganda iyon.

My phone vibrated. Merong message roon si Nol.

From: Nol

Where are u?

Agad akong nag-tipa sa keyboard ng phone ko.

To: Nol

Pababa na.

Pagkatapos i-send, kinuha ko na ang backpack ko at lumabas ng kwarto. I locked the door and started walking. May mga nakasabay pa ako na ilan sa mga kaklase.

Today is our Field Trip. Pakana iyon ni Sir Martin. Pagkatapos kasi ng isang Trial Event, gusto niya raw na mag-chill muna ang mga trainees.

Once in a year nangyayari ang Trial Event. Doon tina-try ng mga Professors ang skills ng mga trainees through deduction.

At dahil isang grupo kami nila Nol, mas mahirap ang sa amin. We managed to solve a case na gawa gawa lang ng mga professors.

Pagbaba ko sa hagdan, agad kong nakita na naghihintay sa labas sina Nol. They are talking and laughing at the same time.

Napangiti na lang ako. At least, nagkakasundo sila.

“Yah,” bati ko.

Napatingin sila sa akin. Agad na umakbay si Henry. “Ganda, Fair Lady.” aniya.

I chuckled. “Si Sir Martin daw ang magbibigay ng pwesto naʼtin sa bus,” ani Nol.

Tumango ako. Naglakad na kami papunta sa field kung saan nakaparada ang mga bus na gagamitin.

Nilapitan namin si Sir Martin na kinakausap ang dalawang trainees. “Oy!” he greeted.

He tapped Nolʼs shoulder. Napansin ko naman ang pag-ngiwi ni Nol kaya napangisi na lang ako.

“Sa bus number 4 kayo. Nol and Keena 22 and 23. Winston and Henry 24 and 25.” ngumisi si Sir Martin at tinignan ako.

I raised an eyebrow. “President ba ng NolKeen love team si Sir Martin?” natatawang sabi ni Henry.

“Where did that came from?” naiiritang tanong ko. Sumakay na kami ng bus. Agad nahagip ng mga mata ko si Yvah at ang ka-partner niya.

Tinaasan pa nga niya ko ng kilay nang lagpasan ko sila. I sat on the designated seat for us. Nakipagpalit pa si Nol sa akin. Ang sabi niya, doon na lang daw ako sa tabi ng bintana.

While waiting for the others, Nol talked to me.

“May sinabi si Inspector Inugami sa akin.” panimula niya.

“What is it?”

“May nahuli raw sila na isa sa mga tauhan ng V Mafia.”

“Really?”

He nodded. “Gumamit daw sila ng electric chair para magsalita ito pero ayaw niya raw talagang sabihin kung sino ang Mafia Boss.”

“Loyalty. He sworn loyalty with the V Mafia. Kahit ikamatay niya pa iyon, sigurado akong hindi siya magsasalita laban sa pinuno niya.” I slouched.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon