Chapter 29 : New Detective

2K 87 10
                                    

Chapter 29 : New Detective

The day is pretty normal. Well except for the fact that Henry is a new trainee of Holmes. Bukas pa raw talaga ang first day niya pero dahil sobrang excited siya, pumunta na siya agad dito.

Heʼs not wearing the schoolʼs uniform. Nagpapatulong nga siya na pumunta sa opisina ni Sir Martin para alamin ang section, dorm number, at partner niya for the whole year.

“I hope I have the same section with you,” sabi ni Henry habang naglalakad kami papunta sa office.

Nakasunod naman ang dalawa sa amin. Henry is getting all the attention— especially girlsʼ attention.

I admit it. Heʼs handsome and cute at the same time. Angelic features and good vibes.

Hindi na kataka-taka kung madaming babae ang nagkakandarapa sa kanya sa dati niyang school at kung pati rito.

Si Nol at Winston nga sikat na sikat dito eh.

“May bago ba?”

“Grabe, tignan mo mukha ni Nol at Winston!”

“Oo nga 'no! Nakakaawa,”

“Sino 'yung kasama nilang isa pang gwapo?”

Ilan lang 'yan sa mga narinig ko. Mukha namang walang pakialam ang mga kasama ko.

“Girls,” Henry murmured. Napatingin ako sa kanya.

“Ang gwapo ko talaga,” naiiling na dugtong niya. I mockingly laughed.

“Shut up,” narinig namin si Nol. Napangisi na lang ako nang umangal sa si Henry at nagbangayan na ang dalawa.

🔍🔎

“Zeus,”

“Anoʼng section mo, Keen?” Henry asked.

I sighed. “Zeus,” sagot ko.

Agad naman siyang ngumiti at napasuntok sa hangin. “Weʼre classmates!” he exclaimed. Ngumiti na lang ako.

“Kaklase mo rin sila,” tinuro ni Sir Martin sina Nol at Winston.

“Whoa, men!”

“Nagpadagdag na ko ng kama sa dorm niyo, Nol. Doon na si Henry—”

“So sinong ka-partner niya?” Nol crossed his arms.

“Tinatanong pa ba 'yan, syempre kayo!” Sir Martin laughed.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Nol on the other hand massaged his temple. Wala namang reaksyon si Winston.

“Are you serious, Sir?!” I exclaimed.

“Yes! Dead serious, Miss Velarde!” ngumisi si Sir Martin.

“Isnʼt that unfair to other students?” sabat ni Winston.

I nodded multiple times. “Bakit naman unfair? Inayos ko na ang lahat. Iba na ang activities niyo sa activities ng mga partners dahil isa na kayong grupo.”

“What?” napailing ako at nagpameywang.

“So, go to your respective classes now. Henry, pwede ka na munang umuwi para ihanda ang mga gamit mo sa paglipat. Donʼt leave my office 'cause we are going to measure the size of your uniform.”

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon