Chapter 3 : Whoʼs 86?
The room was filled with police. Sinabihan pa ako ng isa na umalis sa crime scene but I refused. “Miss, kami na ang bahala rito—” he said.
“No, no. Whether you like it or not, I will help in this case!” sagot ko.
“Miss Velarde—” dumating si Sir Martin. May mga trainees na ring nakiki-usyoso sa labas ng kwarto.
Kasunod ni Sir Martin si Nol at isang lalaki. “Shut up!” mabilis kong sagot.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Oh, namumuro ka na, Keena.
“Miss Keena Velarde, I need to see your parents—”
“Okay, Sir. Whatever. Gusto ko lang naman tumulong dito. Ayaw mo ba nu’n? Dito makikita kung nag-improve ba ako sa mga tinuturo niyo.” sabi ko at humalukipkip.
“She’s my partner, Inspector Inugami.” sabat ni Nol.
“Really? You’ve got a beautiful partner there, Nol.” ngumiti si Inspector Inugami sakin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. “By the way, I am Inspector Inugami. Kakilala ako ni Nol.” pagpapakilala niya kaya tumango ako.
“Sir Martin, please leave the crime scene. We’ll handle this.” nagsalubong agad ang mga kilay ko nang sabihin iyon ni Nol.
Is he the boss here? “Okay, fine. But please, inform us after.” sagot ni Sir Martin kaya tumango si Inspector Inugami.
Lumabas ng kwarto si Sir Martin. He eyed me before leaving. Ang mga pulis naman ay pinapaalis na rin ang mga trainees.
“So, let’s see what we have here.” ani Inspector Inugami at lumapit sa katawan ni Esther.
Kinuhanan muna ng litrato ang crime scene bago tuluyang kunin ang katawan ni Esther. Ang naiwan na lang ay ang bote ng lason na ginamit niya para sa suicide at ang note na isinulat niya.
“This is suicide.” sabi ko agad.
Napalingon si Inspector Inugami sakin. Si Nol naman ay nakatingin sa note.
“Are you sure?” he asked, smiling.
For an inspector, bakit mukhang bata pa siya? Around twenty siguro?
“Before you arrived, I already checked her penmanship.” paliwanag ko at itinuro ang notebook ni Esther na kinuha ko sa kanyang bag kanina. Nakapatong iyon sa kanyang kama.
“Look at the note and Esther’s notebook. Both have the same penmanship.” sabi ko. He checked the notebook. Tapos ay kinuha niya kay Nol ang note.
“She’s right.” ani Nol.
“About the poison she used to commit suicide, I don’t know where she got it.” sabi ko at pinagmasdan ang maliit na bote.
“Can you please check the Chemistry Lab? Baka may nawawalang chemical doon.” utos ni Inspector Inugami sa mga pulis na nasa loob din ng room.
Tumango sila at lumabas. May iilang naiwan. “The note says, if we want to know something, let’s check her drawer.” sabi ni Nol at napatingin sa drawer na nasa tabi ng kama ni Esther.
Lumapit agad kami sa drawer na iyon. I opened it and saw some girly stuffs like perfumes, nail polish, hair clips, lipsticks, and a notebook which is odd.
Bakit naman maglalagay ng isang notebook si Esther sa drawer kung saan puro pampaganda ang nasa loob?
Kinuha ni Inspector Inugami ang notebook. His name sounds Japanese. May dugong hapon siguro ang inspector na ‘to.
BINABASA MO ANG
Detective Trainees (COMPLETED)
Misteri / ThrillerHolmes' House of Detectives is a training ground for aspiring detectives. Nollan and Keena are one of these Detectives in training who needs to unravel the truth behind the massacre in their city and unmask the person behind the killings. detective...