Chapter 11 : The Mystery of a White Lady
Pumunta kami ni Nol sa garden. Nasa likod pala iyon ng bahay which is unusual. Ang alam ko kasi, ang mga garden ay nasa harap dapat.
The cold wind swayed my hair. Malamig ang simoy ng hangin. Nakaka-relax. Sarap matulog tapos wala kang iniisip na problema.
May mga bush na nakapalibot sa garden. Pa-square kasi ang hardin. Nakatayo kami sa bermuda grass at kapansin pansin ang iba’t ibang halaman na nakapalibot din. Sa gitna, merong stone table at stone benches.
Nilibot namin ang hardin. Ay, si Nol lang pala. Ako kasi nakaupo lang. Ini-enjoy ang malamig na hanging tumatagkil sa balat ko.
I noticed that Nol pushed aside the bush. Nagsalubong ang mga kilay niya kaya napatayo ako at lumapit.
We saw a small white cloth with red food coloring stain. What the hell is this?
Maya maya pa ay ngumisi si Nol. “Dito ka lang. May titignan ako.” aniya. Magsasalita pa sana ako pero agad siyang pumasok sa loob ng bahay.
Napatingin ako sa paligid. May isang parte ng bahay kung saan nakabukas ang ilaw sa loob. Makikita iyon sa bintana. Malapit lang sa garden. Napansin kong may lubid na nakalawit doon. Para saan naman ‘yon? Nagkibit balikat ako at pumasok na lang ulit.
Truth to be told, tinatamad ako. Wala akong ganang mag-solve ng ganitong mystery lalo na’t hindi naman talaga totoo ang mga multo.
Nagka-salubong kami ni Gregor. Binati niya ako kaya binati ko rin siya.
“Tatambay ka yata sa garden?” I asked, trying to be normal.
“Yep. Sumasakit kasi ang ulo ko roon sa project namin.” aniya at hinawakan pa ang ulo.
“Okay, get well.” sabi ko. He thanked me and went to the garden.
Weird. Alam niya naman sigurong may nagpapakita na white lady daw sa hardin kaya bakit pa siya tatambay?
Baka naman hindi siya naniniwala na meron ngang multo? O baka matapang lang talaga siya? Or nagpapa-impress, ewan. Pake ko.
Uupo pa lang ako sa couch, narinig namin ang sigaw ni Gregor. Napasugod kaming lahat sa garden.
“Gregor?!” nagpapanic na tawag ni Joan sa kanya.
Gregor was sitting on the bermuda grass. Nakatingin siya sa direksyon ng bush kung saan nakita namin ni Nol ang tela.
“Nagpakita siya!” nanlalaki ang mga mata nito at tinuro ang direksyon kung saan niya nakita ang white lady.
I couldn’t tell that he is acting. Namumutla kasi siya at takot na takot.
Agad na napatingin ako sa paligid. Ang mga kulang ay sina Jenny, Nol, at Eisha.
Nol’s probably finding proofs. Sina Jenny at Eisha naman ay hindi ko alam kung nasaan.
Tinulungan nilang tumayo si Gregor. Agad kong napansin na ipinasok niya ang kanyang right hand sa right pocket niya. Kasunod no’n ay meron kaming narinig na iyak. Babae.
“Oh my God!”
“Ano ‘yon?!”
Sumingkit ang mga mata ko. This is a prank. I knew it.
Pumasok kami sa loob ng bahay at nag-stay sa sala. Nandoon sina Eisha at Jenny na mukhang nagtataka. “I need your alibis.” umpisa ko.
Halatang natatakot sila.
“Alibi?” takang tanong ni Zart.
“There is no ghost here. It’s just someone who play pranks on you, guys.” sagot ko.
BINABASA MO ANG
Detective Trainees (COMPLETED)
Mistero / ThrillerHolmes' House of Detectives is a training ground for aspiring detectives. Nollan and Keena are one of these Detectives in training who needs to unravel the truth behind the massacre in their city and unmask the person behind the killings. detective...