Chapter 49: Homecoming

1.7K 70 2
                                    

Chapter 49 : Homecoming

Knocks on the door woke me up. I heard Henryʼs voice calling my name. Napabalikwas ako. "Sandali!" sigaw ko at agad na pumunta sa banyo para maghilamos.

Pagkatapos ay dumeretso na ko sa pintuan para buksan ang pinto. Bumungad sa akin si Henry. Nasa likuran niya sina Winston na nakasandal sa pader at si Nol na nakapamulsa.

"Good morning! Uuwi na tayo!" Henry greeted.

"Hindi muna ba tayo kakain?" I asked.

"Kakain muna syempre!"

Bago tuluyang lumabas ng kwarto, kinuha ko muna ang paper bag nanaglalaman nuʼng gown at sapatos. Buti nga at nagkasya iyon e.

After we ate, lumabas na rin agad kami ng hotel. Sumakay ulit kami sa kotse na ginamit namin kagabi. Halos tahimik kami buong byahe. Pero kung minsan ay nag-uusap usap din.

Bigla kong naalala ang lahat ng nangyari kagabi. Lahat iyon parang fresh pa sa utak ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakasaksi ako ng patayan sa mismong harapan ko. Hindi ako makapaniwalang pumatay si Nariko sa harapan namin.

Sheʼs a mafia reaper, of course. Bukod doon, nakita ko rin Daddy. Kahit naman galit ako sa kanya- o galit kami sa isaʼt isa ngayon, concern pa rin naman ako. Afterall, he is still my dad.

Hindi ko maiwasang isipin lahat ng what ifs na pwede kong isipin ngayon. Lahat ng posibilidad.

Quarter to ten na nang makabalik kami sa Holmes. Hindi pa rin nanunumbalik ang sigla ng katawan ko. I still need to rest.

May sumalubong sa amin at sinabing pumunta raw kami ng opisina ni Sir Martin.

Kahit pa tinatamad, sumunod ako kina Nol. When Winston opened the door, parang nabuhayan ako nang makitang may tissue box na papunta sa direksyon niya. Agad iyong sinalo ni Winston bago pa lumanding sa mukha niya.

"What the fuck?" naiirita niyang sabi.

"Whoa, magaling!" sabi ni Sir Martin. Pumalakpak pa talaga siya kahit parang handa na siyang suwagin ni Winston ano mang oras.

"So kamusta naman?" tanong niya sa amin habang nagpapaikot ikot sa kanyang silya.

"There are three mafias in the parking lot last night. Rado mafia, Cifuentes mafia, and lastly, V mafia." sabi ni Nol.

Ni hindi man siya nag-hesitate na sabihin ang pangalan ng mafia kung saan nabibilang ang pinsan at ilan sa pamilya niya.

"The first one who fell in Rado mafia last night was assassinated by a skilled sniper," Sir Martin stood up and looked outside the window. "Head shot,"

"The skilled sniper that youʼre talking about is not part of V mafia. From Cifuentes mafia, I guess."

Napatingin ako kay Nol. Bakit niya 'yun sinabi? "Hmm. Did you get any information about V mafia?" Sir Martin asked.

"They are strong," ako na ang sumagot.

"Okay? What else?"

"Kilala mo ba kung sino ang may-ari ng Vendyl hotel?" tanong bigla ni Nol.

Lumingon si Sir Martin sa kanya. "Of course. A well-known businessman. Renato Vendyl."

"We have suspected him. Baka kabilang siya sa V mafia. Inspector Inugami told me last night that V mafia killed almost all of the group from Rado mafia. Cifuentes mafia also had taken part of killing them. Sinabi pa ni Inspector Inugami na nakita raw ng isa sa mga tauhan niya si Renato Vendyl na lumapit sa V mafia kagabi."

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon