Chapter 23 : Into The Woods
Time check, itʼs already 4:53PM in the afternoon. Wearing my black hoodie, I sneaked out of the dormitory. This is my plan.
Iʼll go inside the woods to find Agnes. Hindi ko na mahihintay pa ang mga awtoridad at ang mga faculties. Agnesʼ missing and I canʼt just relax. I canʼt calm the fuck down.
I gripped the strap of my backpack while walking towards the woodsʼ entrance.
Pero agad ding natigil nang makita si Sir Martin na may kasamang mga pulis at ibang mga faculties.
Paano ako makakapasok sa kakahuyan nang hindi napapansin ng mga 'yan?
“Keena?” napalingon ako sa nagsalita.
I almost flinch when I saw Winston and Nol standing at my back. Magkasalubong ang mga kilay ni Nollan habang naka-halukipkip naman si Winston.
“What the hell are you doing here?” Nol asked.
Huminga ako ng malalim. “Paki mo?”
“Keena, 'di ba sabi ko delikado?”
“Damn it, Nol. You donʼt know how it feels to lose a friend like Agnes! You donʼt know how worried I am. You donʼt know how sleepless I am since the day she went missing! You donʼt know how it feels to overthink na baka pinatay na si Agnes!” sumbat ko.
His eyes softened.
Napapikit siya ng mariin at napahawak sa batok. “Okay, youʼll come with us but donʼt you ever leave my side.”
“Cut the drama, letʼs go.” sabat ni Winston at nauna ng maglakad.
Lumapit kami sa entrance ng kakahuyan. Napansin kami ni Sir Martin pati ng iba pa.
“Sir Michael,” tawag ni Sir Martin.
Lumapit si Sir Michael sa amin. “Martin,”
“Papasok na tayo sa loob,” ani Sir Martin at tinuro ang entrance ng kakahuyan.
Tumango si Sir Michael. Akala ko hindi siya kasama rito. Kung tutuusin, siya ang may kasalanan nito. But Iʼm trying my best here to compose myself.
Nagsimula na kaming pumasok ng kakahuyan. Nangunguna ang mga pulis. Kasunod ang ilan sa mga Professors. Nasa gitna kaming tatlo. Tapos sa huli naman ay ang mga natirang Prof.
At dahil alas singko na, medyo madilim na sa loob. Papasok pa lang, mararamdaman na agad na nakakatakot talaga.
It seems like, this place became more gloomy and scary since the day Agnes went missing. Nasaan na kaya siya?
“Are you sure na baka rito dinala si Agnes?” tanong ng isang Prof.
“Nothing is sure pero kailangan pa rin naʼtin i-check.” sagot ni Sir Martin.
“Iʼll do my best to help find her,” ani Sir Michael.
“Dapat lang,” bulong ko. I felt how Nol elbowed me.
“Ano ba?!” giit ko.
Hindi niya naman ako pinansin. Malaman ko lang talaga kung sinoʼng may pakana ng pagkawala ni Agnes, hay nako. Makakapatay yata ako.
Ilang minuto na rin kaming naglalakad pero wala pa rin kaming makitang sign na nandito si Agnes.
“I think we need to split up. Masyadong malawak ang kakahuyan,” suhestiyon ni Sir Michael.
“I think thatʼs a good idea,” Sir Martin nodded.
“Pero kailangan may kasama pa ring awtoridad,” sabat ni Winston.
![](https://img.wattpad.com/cover/161661467-288-k795774.jpg)
BINABASA MO ANG
Detective Trainees (COMPLETED)
Misterio / SuspensoHolmes' House of Detectives is a training ground for aspiring detectives. Nollan and Keena are one of these Detectives in training who needs to unravel the truth behind the massacre in their city and unmask the person behind the killings. detective...