Chapter 6 : My Shoes!

2.7K 139 18
                                    

Chapter 6 : My Shoes!

“I’ll paint while you mop the floor.” sabi ni Nol pagkatapos naming ilabas lahat ng gamit. Now the room is empty. Pareho kaming nakatingin lang sa buong clinic. Pagod na ako.

“Ayoko na.” nasabi ko na lang.

Naramdaman ko na lang na may tumamang towel sa ulo ko. Kinuha ko iyon at sinamaan ng tingin si Nol.

Walang emosyon ang mukha niya. Bipolar talaga. Minsan hindi mo alam kung may pake, galit, naiinis, naasar, malungkot, o kung kelan siya nagiging mapaglaro eh.

“Ano ba?!” inis na singhal ko sa kanya.

“Magpunas ka nga. Pawis na pawis ka na.” aniya at lumapit sa mga pintura.

Hindi ako nakapagsalita at napatitig lang sa kanya. I started wiping my own face. Naisipan ko ring i-pony tail ang buhok ko dahil mainit na talaga.

Sina Madam Meriam at Charice ay umalis. May binili sila. Naiwan kami ni Nol dito sa clinic.

“I doubt that we’ll finish this in one day.” sabi ko.

“Kung hindi ka pa kikilos, talagang hindi tayo matatapos.” sabi ni Nol at kinuha ang isang pintura chaka lumabas. He’ll start painting outside. Kinuha ko ang mop at pumasok sa banyo ng clinic.

Ugh! I shouldn’t wear my shoes! Inalis ko muna ang sapatos ko at nilagay iyon sa labas. Sa tapat lang ng pinto tapos ay bumalik ako sa banyo para isawsaw ang mop sa balde ng tubig.

After that, I started mopping the floor. Ilang minuto rin ‘yon and seriously, ang sakit ng likod ko!

“Ahhh! Ayoko na!” hiyaw ko at ibimagsak ang mop sa sahig.

Napatingin ako sa labas at napansin ang isang aso. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang kunin ang isang sapatos ko.

“Oh my god!” bulalas ko.

“Will you shut up?” masungit na sabi ni Nol. He’s currently painting the walls.

Palapit pa lang ako sa aso ay tumakbo na ito! Oh my god!

“Kyaaah! Walanghiya ka!” I shouted. Tumakbo na rin ako.

“Excuse me?” narinig ko pang sabi ni Nol.

“Nol! ‘Yung sapatos ko kinuha nung aso! Nol!” maktol ko.

“What?”

“Kinuha nung aso ‘yung sapatos ko!” naiiyak na sabi ko.

That’s my favorite shoes! Hindi iyon pwedeng mawala o masira! Wala akong pakialam kahit lumiit na sa paa ko iyon basta nakikita ko lang ayos na! Waah! Hindi ko mapapatawad ang aso na ‘yon!

The dog ran. Hindi ko na iyon na habol dahil sobrang bilis niya! Shet! “Nol!” naiiyak na talaga ako.

“Ano? Chasing a dog is not my style.”

Hinampas ko siya. “My shoe!” singhal ko.

Nag-hysterical pa ako nang mapansing nginatngat din ng aso ang natirang sapatos ko. Walanghiya talaga!

“Waaah! Nol!”

“Tumahimik ka nga. Para kang bata.” saway niya at tinuloy ang pagpipinta.

Natahimik ako. O to the M to the G. Kasalanan niya ito simula’t sapul! Kung hindi niya ako hinila para mag-cutting, edi sana hindi kami napaparusahan ng ganito! Edi sana, hindi nginatngat at tinangay ng aso ang sapatos ko!

Napatingin si Nol sakin. Nagsalubong ang mga kilay niya.

“Anong kadramahan ‘yan?” he asked.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon