Chapter 14 : Announcement

2.3K 105 7
                                    

Chapter 14 : Announcement

What?

Literal na napanganga ako sa sinabi ni Sir Martin. Ano bang plano ng isang ‘to? He smirked at me. Nol, who’s just sitting beside me shook his head. Parang sign iyon na disgusted siya sa nangyayari.

Si Winston naman na naka-de kwatro lang at nakaupo sa tapat ko ay tahimik.

“Seriously, wala ka man lang violent reaction kagaya ko?” I elbowed Nol.

“Hindi naman ako OA katulad mo.”

“Who told you I’m OA?”

“Hep! So Winston Monteagudo, you are now officially part of Keena and Nol’s group!” sabat ni Sir Martin.

“What the heck?” I mouthed and looked at Winston. Ngumisi lang siya nang makita ang reaksyon ko.

“Actually, Sir, kaya ko naman kahit ako lang mag-isa.” pagyayabang nito.

Umirap ako. “Tsk!”

Napalingon siya sa’kin at tinaasan ako ng kilay. “Oh? You must be really smart then!” sabi ni Sir Martin.

Inayos niya ang kanyang salamin. “Yes, yes. Kaya niya ng mag-isa.” agad kong sabat.

Nol was just there. Listening to us— or not.

Siya ‘yung tipo ng taong physically present, mentally absent. Tss.

“Pero mas maganda pa rin kung may kasama ka! So you’ll be with this two stubborn—”

“Excuse me, Sir? Namemersonal ka na yata?” I frowned.

“This is not my style,” narinig kong sabi ni Nol.

“No, Keena. I was just stating the fact.” ngumisi si Sir Martin. Napa-irap ako.

“Okay, fine. Para matapos na ‘to. Gusto ko ng magpahinga.” sabi ni Winston at tumayo na.

“It’s settle then!” Sir Martin clapped his arms.

“Nol, sabay na kayo. Samahan mo si Winston sa magiging kwarto niya.” dagdag pa niya.

Padabog akong tumayo at naunang lumabas ng opisina niya. Sumunod ang dalawang lalaki. Pare-pareho kaming tahimik.

I sighed heavily. Hindi ko in-expect na ganito ang mangyayari. Ano bang ginagawa ni Winston dito? He should be studying in Alanca— not here!

“I guess, it’s nice to meet you again?” narinig ko pang sabi nito. Nang lingunin ko siya ay nakangisi ito habang nakapamulsa.

I rolled my eyes. Pumunta na ako sa direksyon ng dorm para sa mga babae. Ewan ko ba kung magkakasundo ang dalawang iyon at wala na talaga akong pakialam.

“We are gathered today for the ICT first activity.”

Kinabukasan, sinabihan kami ng trainer namin na mag-stick sa aming mga ka-partner. Agad naman akong lumapit kay Nol. Winston is nowhere to be found. Ewan ko ba roon! First day niya, first day activity pa tapos wala siya? Tss.

“Since you are all familiar with all the hacking cases in our country, I think, I think lang naman...magiging easy ito sa inyo.”

Hacking? I never tried hacking anything before.

“Bakit sa tingin niyo nangha-hack ang mga tao?”

One of our classmates raised his hand. “For deeper information?”

Our ICT Trainer, Sir Deyo nodded his head. “Pwede,”

“To steal money?”

Tumango ulit si Sir Deyo. “Another,”

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon