Chapter 42 : Two Faced

1.8K 84 2
                                    

Chapter 42 : Two Faced

Pag-gising ko, hindi ko na nadatnan pa si Nol. He insisted na sa sofa siya matutulog. Hindi naman ako maka-angal at sabihing malaki ang kama kaya pwede naman kaming mag-share. Thatʼs too awkward. Ayos na iyong magkasama kami sa iisang kwarto pero hindi magkatabi.

Iyon nga lang, naaawa ako kay Nol noʼn. Ang hirap matulog sa sofa. He told me that he will not feel at ease kung matutulog siya sa guest room.

In short, gusto niya akong bantayan. Hindi niya pinagkakatiwalaan lahat ng nasa mansyon na ito. Even his own cousin.

Kinukusot ko ang aking mata habang paupo sa kama. The door suddenly opened. Bumungad si Nol sa akin na naka-puting v neck shirt, black short, at nike na tsinelas.

He looks simple. May dala siyang tray. Naningkit ang mga mata ko nang maalala si Vandrick. “What time is it?” I asked.

“Seven-thirty in the morning,” sagot niya at inilapag ang tray sa kama.

“Anoʼng oras tayo uuwi?” I asked.

Bumuntong hininga siya chaka umupo sa tapat ko. He looked at me directly in the eyes. “We canʼt,” sagot niya.

“Ha?”

“Nakatanggap ng report si Yuuto kaninang madaling araw na may mga nakaabang daw sa Highway. We canʼt leave this place until theyʼre gone.”

“Do you mean mag-iistay pa tayo rito? Ako?” tanong ko at tinuro ang sarili. I canʼt believe this!

Tumango siya. “Once theyʼre gone, we will leave as soon as possible.”

Napapikit ako pero agad ding nagmulat. God knows that I canʼt stay in this place any longer. “Nol, paano sina Winston? Henry?” I asked.

“Nasa Holmesʼ na sila. I saw you with Vandrick yesterday kaya sumunod ako. Some things happened kaya hindi ako agad nakarating.” he explained.

Bumuntong hininga na lang ako. “Eat up,” aniya bago nagpaalam na lalabas muna. He even reminded me not to go outside his room. I donʼt know if heʼs just being protective or he doesnʼt really trust anyone in this house. I mean, mansion.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang muling pumasok si Nol sa kwarto. May dala siyang brown na paper bag.

“These are clothes from Fumi,” aniya.

“From who?” parang tangang tanong ko.

“Fumi,”

Nagkatitigan kami. Para bang nabasa niya kung ano ang nasa utak ko. “She insisted. Hindi ako sigurado kung hanggang kailan tayo rito. Just take these clothes.”

Tumayo ako at inabot ang paper bag. “Iʼm not gonna keep you here all day. Pwede kang lumabas ng kwarto but as much as possible, avoid them.”

Now he sounds bossy here. “Fine,”

Aalis na sana siya pero agad ko siayng pinigilan. “Teka!”

Nakataas ang kilay niya nang lingunin ako. “What?”

“Pahiram ng charger...” I grinned.

🔍🔎

I got bored so here. Sinara ko ang pinto ng kwarto. Fumiʼs clothes kinda makes me feel comfortable. Isang mustard colored na t-shirt at black shorts. Napalingon ako sa magkabilang side.

There are rooms. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya bumaba na lang ako. The staircase is so grand. May red carpet pa nga ito.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon